Zefanias2
Panawagan para Magsisi
1Magtipon kayo at magsama-sama,kayong mga bansang walang kahihiyan,2bago dumating ang itinakdang arawna kayoʼy palalayasin at ipapadpad na parang mga ipa.Magsisi na kayo bago dumatingang araw ng pagbuhos ng Panginoonng kanyang matinding poot.3Kayo namang mga mapagpakumbabaat sumusunod sa mga utos ng Panginoon,hanapin ninyo siya.Ipagpatuloy ninyong itaguyodang katuwiran at pagpapakumbaba.Baka sakaling ingatan kayo ng Panginoonsa araw na ibuhos niya ang kanyang galit.Parusa sa Bansang Filistia
4Wala nang titira sa Gazaat iiwang wasak ang Ashkelon.Wala nang tao sa Asdodpagdating ng tanghaling tapat,at lalayas na ang mga mamamayan ng Ekron.5Nakakaawa kayong mga Kereteo na nakatira sa tabing-dagat.Ito ang sinasabi ng Panginoonlaban sa inyo:“Kayong mga Filisteo sa Canaan,lilipulin ko kayo,at walang matitira sa inyo.”6Kaya ang inyong mga lupainsa tabing-dagatay magiging pastulanat kulungan ng mga tupa.7Sasakupin iyonng natitirang mga taga-Juda.Doon sila magpapastolng kanilang mga hayopat pagsapit ng gabiay matutulog silasa mga bahay sa Ashkelon.Kahahabagan silang Panginoon na kanilang Diyosat pauunlarin silang muli.Parusa sa mga Bansa ng Moab at Amon
8Sinabi ng Panginoong Makapangyarihan,ang Diyos ng Israel,“Narinig ko ang pang-iinsultoat panunuya ng mga taga-Moab at Amonitasa aking mga mamamayan.Ipinagyayabang nilang kaya nilang sakupinang lupain ng aking mga mamamayan.9Kaya isinusumpa ko,”wika ng Makapangyarihang Panginoon,ang Diyos ng Israel,“na wawasakin ko ang Moab at Amonkatulad ng Sodoma at Gomora.At ang lupain ng Israelay hindi na mapapakinabanganhabang panahon.Tutubuan ito ng mga matitinik na damo,at mapupuno ng mga hukayna gawaan ng asin.Lulusubin itong natitira kong mga mamamayanat sasamsamin nilaang mga ari-arian nito.”10Sinabi ni Zefanias:Iyan ang ganti sa pagyayabangng mga taga-Moab at Amonita.Sapagkat ipinapahiya nilaat nilalait ang mga mamamayanng Panginoon ng mga Hukbo.11Sisindakin sila ng Panginoondahil lilipulin niya ang lahatng mga diyos-diyosansa buong mundo.At sasambahin siya ng mga taosa lahat ng bansasa kani-kanilang bayan.Ang Parusa sa mga Bansa ng Etiopia at Asiria
Etiopia
12Sinabi ng Panginoon,“Kayo ring mga taga-Etiopia ,ipapapatay ko kayo sa digmaan.”Asiria
13Parurusahan ko rin ang Asiriana nasa hilaga.Magiging tulad ng ilang ang Nineve, tigang na parang disyerto.14Magiging pastulan itong mga baka, kambing,at ng ibaʼt ibang uring mga hayop sa kawan.Dadapo ang mga kuwagosa mga nasirang haligi,at maririnig ang kanilang hunisa mga bintana.Masisira ang mga pintuanat matatanggal ang mga sedrongkahoy nito.15Ganyan ang mangyayarisa lungsod ng Nineve,na nagmamalaki na walangsasalakay sa kanilaat walang hihigit sa kanila.Ngunit lubusang mawawasakang lungsod na iyonat titirhan na lamangng mga hayop sa gubat.At ang bawat dadaan doonay kukutyain sila,at masisindak sa sinapit nito.Biblica, Inc.