Zefanias3
Ang Pagrerebelde ng Jerusalem at ang Pagtubos Nito
1Kahabag-habag ang lungsodng mga mang-aapi,mga rebelde at marurumi.2Hindi sila nakikinig kahit kanino,at ayaw nilang magpaturo.Hindi sila nagtitiwalasa Panginoon na kanilang Diyos,ni lumalapit sa kanya.3Ang kanilang mga opisyalay parang mga leon na umaatungal.Ang kanilang mga pinunoay parang mga lobong naghahanapng makakain kung gabi,at walang itinitirapagsapit ng umaga.4Ang kanilang mga propetaay padalos-dalos sa kanilangmga ginagawaat hindi mapagkakatiwalaan.Nilalapastangan ng kanilang mga pariang mga bagay na banalat sinusuway ang kautusan ng Diyos.5Subalit naroon pa rinang presensya ng Panginoonsa kanilang lungsod.At hindi siya gumagawa ng mali.Araw-araw niyang ipinapakitaang kanyang katarungan,at nananatili siyang tapat.Subalit ang masasamâay hindi nahihiya sa ginagawa nila.6Sinabi ng Panginoon,“Nilipol ko ang mga bansa;giniba ko ang kanilang mga lungsodpati ang kanilang mga pader at mga tore.Wala nang natirang mga mamamayan,kaya wala nang makikitangtaong naglalakadsa kanilang mga lansangan.7Dahil sa mga ginawa kong itoakala koʼy igagalang na akong aking mga mamamayanat tatanggapin na nilaang aking pagsaway sa kanila,para hindi na magiba ang kanilang lungsodayon sa itinakda ko sa kanila.Ngunit lalo pa silang nagpakasama.8Kaya hintayin ninyo ako,”sabi ng Panginoon.“Darating ang araw na akoʼy tatayoat aking uusigin ang mga bansa.Sapagkat napagpasyahan kongtipunin ang mga bansa at mga kaharianpara ibuhos sa kanilaang matindi kong poot.Ang nagliliyab kong galitang tutupok sa buong mundo.9Pagkatapos, ang mga labi nilaʼy lilinisin koupang silang lahat ay tatawagsa pangalan ng Panginoonat sama-samang maglilingkod sa kanya.10Ang mga nananalangin kong mamamayanna nakakalat sa kabilang ibayong mga ilog ng Etiopia ay magdadala ng mga handog sa akin.11Sa araw na iyon,kayong mga taga-Jerusalemay hindi na mapapahiyasa lahat ng mga kasalanangginawa ninyo sa akin,dahil aalisin ko sa inyoang mga mapagmataasat mayayabang.Kaya wala nang magyayabangdoon sa aking banal na bundok. 12Ngunit mag-iiwan akosa gitna ninyong mga taong inaapi at aba.Ang mga naiwang itoay patuloy na magtitiwalasa Panginoon.13Ang mga Israelitang itoay hindi gagawa ng masama;hindi sila magsisinungaling o mandadaya.Kakain at matutulog silang payapaat walang kinatatakutan.”14Sinabi ni Zefanias:“Kayong mga mamamayan ng Israel,sumigaw kayo sa tuwa!Kayong mga mamamayan ng Zion,ang lungsod ng Jerusalem,umawit kayo at magalaknang buong puso!15Sapagkat hindi na kayoparurusahan ng Panginoon.Palalayasin niyaang inyong mga kaaway.Kasama ninyo ang Panginoon,ang Hari ng Israel,kaya wala nang kasawiangdapat pang katakutan.16Sa araw na iyon,sasabihin ng mga taosa mga taga-Jerusalem,Mga mamamayan ng Zion,huwag kayong matakot;magpakatatag kayo.17Sapagkat kasama ninyoang Panginoonna inyong Diyos.Siya ay isang mandirigmangmagliligtas sa inyo.Siyaʼy magagalak sa inyo,at sa kanyang pag-ibig kayoʼykanyang panunumbalikin.Sa kanyang kagalakanay kanyang aawitan.”18Sinabi ng Panginoon,“Titipunin ko kayongmga naghihinagpisdahil sa kapistahan.Ililigtas ko kayo sa kasawianpara hindi na kayo malagaysa kahihiyan.19Sa araw na iyon,parurusahan koang lahat ng umaapi sa inyo.Kayoʼy parang mga tupang napilayat pinaghiwa-hiwalay,ngunit ililigtas ko kayoat titipuning muli.Inilagay kayo sa kahihiyan noon,ngunit kayoʼy pararangalan koat gagawing tanyagsa buong mundo.20Oo, titipunin ko kayosa araw na iyonat pauuwiin ko kayosa inyong bansa.Pararangalan ko kayoat gagawing tanyag sa buong mundosa araw na panumbalikin koang inyong mabuting kalagayanat masasaksihan ninyoitong mangyari sa inyong harapan,”sabi ng Panginoon.Biblica, Inc.