Zefanias1
1Ito ang salita ng Panginoon na ipinahayag niya kay Zefanias noong si Josias na anak ni Amon ang hari ng Juda. Si Zefanias ay anak ni Cusi na anak ni Gedalias. Si Gedalias naman ay anak ni Amaria na anak ni Ezequias.
Ang Araw ng Paghatol ng Panginoon sa Buong Mundo
2Sinabi ng Panginoon,“Lilipulin ko ang lahat ng bagayna nasa mundo,3ang mga tao, hayop, ibon at isda.Mawawala ang lahat ng nag-uudyok sa taopara magkasala pati ang mga makasalanan.“Lilipulin ko nga ang lahat ng tao sa mundo.Ako, ang Panginoon,ang nagsasabi nito.4Parurusahan koang mga mamamayan ng Juda,pati na ang lahat ng mamamayanng Jerusalem.Lilipulin ko ang mga natitirangsumasamba sa diyos-diyosang si Baalpati na ang mga paring naglilingkod dito,upang tuluyan na silang makalimutan.5Lilipulin ko rin ang mga taong umaakyatsa bubong ng kanilang bahaypara sumamba sa araw,sa buwan at mga bituin.Lilipulin ko ang mga sumasambaat sumusumpang maglilingkodsa Panginoon,pero sumusumpa ring maglilingkodsa diyos-diyosang si Molec. 6Lilipulin ang mga tumatalikodat hindi dumudulog sa Panginoon.”7Tumahimik kayo sa harapanng Makapangyarihang Panginoon,dahil malapit na ang arawng aking paghatol.Inihanda ko na ang aking mga mamamayanpara patayin tulad ng hayop na ihahandog.Pinili ko na ang mga kalabanna tinawag ko na sasalakay sa Juda.8Sa araw ng paghahandogpara sa Panginoon,parurusahan ko ang mga pinunoat ang mga anak ng haripati silang mga nakadamit banyaga.9Parurusahan ko rin sa araw na iyonang lahat ng sumasali sa mga seremonyang mga diyos-diyosanat silang mga nagpupuno sa templong kanilang diyosng kalupitan at pandaraya.10“Sa araw na iyon,”sabi ng Panginoon,“maririnig ang iyakan sa pintuang tinatawag na Isda ng lungsod ng Jerusalemat sa bagong bahagi ng lungsod.Maririnig din ang malakas na ingayng mga nagigibang bahay sa mga burol.11Mag-iyakan kayo,kayong mga naninirahansa mababang bahagi ng lungsod ng Jerusalemdahil mamamatay ang lahatng inyong mga mangangalakal.12Sa araw ding iyon,susuyurin kong mabuti ang Jerusalemat parurusahan ko ang mga taongnagpapasarap lang sa buhayat nagsasabi sa kanilang sarili,‘Walang gagawin ang Panginoonsa amin mabuti man o masama.’13Aagawin sa mga taong itoang kanilang mga pag-aariat wawasakin ang kanilang mga bahay.Hindi sila ang titira sa mga bahayna kanilang itinayo.At hindi sila ang iinom ng inumingmula sa ubas na kanilang itinanim.”14Malapit na ang nakakatakotna araw ng paghatol ng Panginoon.Itoʼy mabilis na dumarating.Mapait ang araw na iyon,dahil kahit na ang matatapang na sundaloay sisigaw para humingi ng tulong.15Sa araw na iyon,ipapakita ng Diyos ang kanyang galit.Magiging araw iyon ng pighatiat paghihirap,araw ng pagkasiraat lubusang pagkawasak.Magiging maulap at madilimang araw na iyon,16at maririnig ang tunog ng trumpetaat sigawan ng mga sundalong sumasalakaysa mga napapaderang lungsodat sa matataas na tore nito.17“Sinabi ng Panginoon,‘Ipaparanas ko ang paghihirap sa mga tao,at lalakad sila na parang bulagdahil nagkasala sila sa akin.Dadaloy na parang tubig ang kanilang dugo,at mabubulok na parang dumi ang kanilang bangkay.18Hindi sila maililigtas ng kanilang mga pilak at gintosa araw na ipapakita ko ang aking pootna parang apoy na tutupok sa buong mundo.Sapagkat tuluyan kong wawakasanang lahat nang naninirahan sa lupa.’ ”Biblica, Inc.