Habakuk3

Ang Panalangin ni Habakuk

1Ito ang panalangin ni Propeta Habakuk: 2Panginoon,narinig ko po ang tungkolsa inyong mga ginawa,at ako ay lubos na humanga sa inyo.Gawin ninyong muli sa aming panahonang ginawa ninyo noon.At sa araw na ipadama ninyoang inyong galit,maawa kayo sa amin.
3Ikaw ang Diyosna dumating mula sa Teman,ang Banal na Diyos mulasa Bundok ng Paran. Tinatakpan ang langitng inyong kadakilaanat napupuno ang lupang mga papuri sa iyo.4Darating kayong kasinliwanag ng araw;may sinag na lumalabassa inyong mga kamaykung saan nakatagoang inyong kapangyarihan.5Darating kayong may dalang mga salot.6Kapag tumayo kayoay nayayanig ang mundo,at kapag tumingin kayoay nanginginig sa takot ang mga bansaat gumuguho ang sinaunang kabundukanat kaburulan.Ang inyong mga pamamaraanay mananatili magpakailanman.7Nakita ko ang mga tolda ng Cushanna nasa panganib,at ang mga tahanan sa Midianna naghihinagpis.
8Panginoon,sino ba ang inyong kinapopootan?Ang mga ilog ba at ang mga dagat?Sinalakay ninyo silagamit ang inyong mga kabayo at mga karwahena nagbigay sa inyo nang tagumpay.9Kinuha ninyo ang inyong panasa lalagyan niya,inihanda ninyo ang inyong mga palaso.Biniyak ninyoang lupang may mga ilog.10Ang mga bundok ay nanginignang kayoʼy kanilang magisnan.Patuloy na umagos ang matinding baha;umugong nang malakas ang dagatat nilakihan ang kanyang mga alon.11Tumigil ang araw at ang buwansa kanilang kinaroroonansa kislap ng nagliliparan ninyong panaat kumikinang ninyong sibat. 
12Sa inyong matinding galitay tinapakan nʼyo ang mundoat niyurakan ang mga bansa.13Dumating kayo upang iligtasang inyong mga tao,at makaiwas sa kapahamakanang inyong hinirang.Pinuksa ninyo ang pinunong kahariang napakasama,at lubusang nilipol ang lahatng kanyang tagasunod. 14Tinuhog nʼyo ng sarili niyang sibatang ulo ng pinuno ng kanyang mga kawal,nang salakayin kaming kanyang mga mandirigmaupang kami ay ikalat.Ikinagagalak nilang lipulinkaming mga kawawang nagtatago sa takot.15Para kayong sundalona nakasakay sa kabayongnagtatatakbo sa karagatanhanggang sa lumaki ang mga alon.
16Nang marinig ko ang lahat ng ito,nanginig ang aking buong katawanat nangatal ang aking mga labidahil sa takot.Nanghina ako at nangatogang aking mga tuhod.At dahil sa ipinahayag na itong Panginoon,matiyaga kong hihintayinang takdang panahon ng pagpaparusa niyasa mga sumalakay sa amin.17Kahit hindi mamungaang mga puno ng igos, ubas,o ang kahoy ng olibo,at kahit walang anihín sa mga bukirin,at kahit mamatay ang mga alagang hayopsa kanilang mga kulungan,18magagalak pa rin akosapagkat ang Panginoong Diyosang nagliligtas sa akin.
19Ang Makapangyarihang Panginoonang nagbibigay sa akin ng kalakasan.Pinalalakas niya ang aking mga paana tulad ng mga paa ng usa,upang makaakyat akosa matataas na lugar. 

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3