Ang Awit8
1Kung naging kapatid lamang sana kita,na pinasuso ng aking ina,hahalikan kitasaanman tayo magkita,at hindi nila ako pag-iisipan ng masama.2Dadalhin kita sa bahay ng aking ina,kung saan akoʼy tinuruan niya.Paiinumin kita ng mabangong alakna mula sa katasng aking mga pomegranata.3Nasa ilalim ng ulo koang kaliwang bisig mo,at ang kanang bisig mo namaʼyniyayakap ako.4Kayong mga babae ng Jerusalem,mangako kayona hindi ninyo hahayaanna ang pag-ibig ay umusbonghanggaʼt hindi pa dumaratingang tamang panahon.5Sino kaya itong dumarating mula sa ilangna nakahilig sa kanyang minamahal?BabaeGinising ko ang iyong damdamin,doon sa ilalim ng puno ng mansanas,kung saan ka isinilang.6Iukit mo ang pangalan kosa puso moupang patunayan na akolamang ang mahal mo.At ako lamang ang yayakapinng mga bisig mo.Makapangyarihan ang pag-ibiggaya ng kamatayan;maging ang pagnanasaay hindi mapipigilan.Ang pag-ibig ay parang lumiliyabat lumalagablab na apoy.7Kahit laksa-laksang tubig,hindi ito mapipigilan.Sinumang magtangkang bilhin itokahit ng lahat niyang yamanay baka malagay lamang sa kahihiyan.8May kapatid kaming dalagita,at ang kanyang dibdibay hindi pa nababakas.Ano ang aming gagawinsa araw na siyaʼy ipagkasundoupang ikasal?9Siya ba ay tulad ng isang pader?Magtatayo kami ng mga tore ng pilaksa ibabaw niya.Siya ba ay tulad ng isang pinto?Babarikadahan namin siya ng tablang sedro.10Ako ngaʼy isang pader,at ang dibdib koʼy parang mga tore.Kaya sa paningin ng aking mahalpinapanatag ko siya.11May ubasan si Solomon sa Baal-hamonna kanyang pinauupahansa mga magsasaka roon.Bawat isa sa kanilaʼy nagbibigay sa kanyang isang libong piraso ng pilakbilang parte niya sa ubasan.12Ikaw ang bahala Solomon,kung ang parte moay isang libong piraso ng pilakat ang parte ng mga magsasakaay dalawandaang piraso ng pilak.Ngunit ako na ang bahalasa sarili kong ubasan.13O irog kong namamasyal sa hardin,mabuti pa ang mga kaibigan mo,naririnig nila ang iyong tinig.Iparinig mo rin ito sa akin.14Halika, aking mahal.Tumakbo ka nang mabilisgaya ng usa sa kabundukanna punong-puno ng mga halamang ginagawang pabango.
Biblica, Inc.