Ang Awit7

1O babaeng maharlika,napakaganda ng nakasandalyasmong mga paa.Ang hugis ng iyong mga hitaay tulad ng mga alahasna gawa ng isang bihasa.2Ang pusod moʼy kasimbilog ng kopana hindi nauubusan ng hinalong alak.Ang baywang moʼy bigkis ng trigona napapalibutan ng liryo.3Ang dibdib moʼy tila kambalna batang usa.4Ang leeg moʼy parang torena gawa sa pangil ng elepante.Ang mga mata moʼy kasinlinawng batis sa Hesbon,malapit sa pintuang-bayan ng Bet-rabim.Ang ilong moʼy kasinggandang tore ng Lebanon na nakaharapsa Damasco.5Ang ulo moʼy kasinggandang Bundok ng Carmel.Ang buhok moʼy kasingkintabng mga maharlikang kasuotanat ang hariʼy nabihagsa taglay nitong kagandahan.6O napakaganda mo, aking sinta,umaapaw ka sa kariktan.7Ang tindig moʼy parang puno ng palmaat ang dibdib moʼy parang kumpolng mga bunga nito.8At aking sinabi, “Aakyatin ko ang palmaat hahawak sa kanyang mga bunga.”Ang iyong dibdib ay tuladng mga kumpol ng ubasat ang samyo ng iyong hiningaay kasimbango ng mansanas.9Ang halik moʼy kasintamisng pinakamasarap na alak,na dahan-dahang dumadaloysa mga labi at ngipin.10Ako ay sa kanya lamang,at ako lamang ang kanyang inaasam.11Halika mahal ko,pumunta tayo sa bukidat doon magpalipas ng gabi,sa tabi ng mga bulaklak ng henna. 12Maaga tayong gumisingat ating tingnankung namulaklakat namunga na ang ubasan.Tingnan din natinkung namumukadkad naang mga pomegranata.At doon, ipadarama ko sa iyoang aking pagmamahal.13Maaamoy mo ang bangong mandragora,at malapit sa ating pintuanay may mga piling hainna prutas, luma at bago.Sapagkat ang mga itoʼysadyang inihanda kopara sa iyo, aking mahal.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3