Isaias1

1Ang aklat na itoʼy tungkol sa ipinahayag ng Diyos kay Isaias na anak ni Amoz. Tungkol ito sa Juda at Jerusalem noong panahong magkakasunod na naghari sa Juda sina Uzias, Jotam, Ahaz, at Ezequias.

Ang Suwail na Bansa

2Makinig kayo, langit at lupa,sapagkat nagsalita ang Panginoon,“Inalagaan koʼt pinalakiang aking mga anak,ngunit silaʼy nagrebelde sa akin.3Kahit ang mga bakaʼy kilalaang nagmamay-ari sa kanila,at ang mga asnoʼy alam kung nasaanang kanilang sabsabanngunit ang aking bayang Israelay hindi nakakakilala,ang aking mamamayanay hindi nakakaunawa.”4Kawawa ang makasalanang bansang ito,isang sambayanang punong-punong kasamaan,lahi ng mga gumagawang masama at mapaminsala.Itinakwil nila at kinutya ang Panginoon,ang Banal na Diyos ng Israel,at siyaʼy tinalikuran nila.5Bakit ninyo ninanais na maparusahan pa?Bakit patuloy kayong nagrerebelde?Ang inyong uloʼy puro sugat naat ang inyong pusoʼy nanghihina.6Mula ulo hanggang talampakan,walang bahagi na walang sugat,pasa at pamamaga.Hindi ito nahuhugasan,o nabebendahan, o nagagamot.
7Ang inyong bansaʼy napabayaan;ang inyong mga lungsoday sinunog na.Ang inyong mga pananimay sinira ng mga dayuhan,nasaksihan mismo ng inyong mga mata.Wasak na wasak na ang inyong lupainat itoʼy hindi na mapapakinabangan.8Walang natira kundi ang Jerusalem  .Para itong silungan sa isang ubasano isang kubol sa taniman ng mga pipino,at para ring lungsod na pinalibutan ng kaaway.9Kung ang Panginoon ng mga Hukboay hindi nagtira ng ilan sa atin,natulad na sana tayo sa Sodoma at Gomora.
10Kayong mga pinunoat mga mamamayan ng Jerusalemna katulad ng mga taga-Sodoma at Gomora,pakinggan ninyo ang salitaat kautusan ng Panginoon na ating Diyos.11“Balewala sa akin ang napakaramininyong handog,”wika ng Panginoon.“Sawang-sawa na akosa inyong mga handog na sinusunog;ang mga tupa at ang mga tabang mga pinatabang hayop,”sabi ng Panginoon.“Hindi ako nalulugod sa dugong mga toro, tupa at mga kambing.12Sino ang nag-utos sa inyona dalhin ang lahat ng itokapag sumasamba kayo sa akin?Sino ang nag-utos sa inyona tumapak sa aking templo?13Tigilan nʼyo na ang pagdadalang mga handog na walang silbi.Nasusuklam ako sa amoyng inyong mga insenso.Hindi ko na matiis ang inyong mga pagtitiponkapag Pista ng Bagong Buwanat Araw ng Pamamahinga,dahil kahit na nagtitipon kayo,gumagawa kayo ng kasamáan.14Sa inyong mga Pista ng Bagong Buwanat sa iba pa ninyong mga pistaang aking kaluluwaʼy labis na nasusuklam.Sobra-sobra na!Hindi ko na ito matiis!15Kapag nananalangin kayo,hindi ko kayo papansinin.Kahit paulit-ulit pa kayong manalanginhindi ko kayo pakikinggandahil marami kayong pinatay na tao.
16“Linisin ninyo ang inyong sarili.Tigilan na ninyo ang paggawang kasamaansa aking harapan.17Matuto kayong gumawa ng mabutiat sikaping pairalin ang katarungan.Tulungan ninyo ang mga inaapi; ipagtanggol ang karapatanng mga ulila at mga biyuda.”
18Sinabi pa ng Panginoon,“Halikayoʼt pag-usapan natin ito.Gaano man kabigat ang inyong kasalanan,kahit itoʼy matingkad na pula,itoʼy aking papuputiin tulad ng nyebe.Kahit na itoʼy pulang-pula,itoʼy magiging puting-puti.19Kung susunod lang kayo sa akinay pagpapalain ko kayo. 20Ngunit kung patuloykayong magrerebelde,tiyak na mamamatay kayo.”Mangyayari nga itodahil sinabi ng Panginoon.

Ang Makasalanang Lungsod

21Tingnan ninyo ang lungsod ng Jerusalem.Matapat ito noon,ngunit ngayoʼy naging babaeng bayaran.Datiʼy mga taong matuwidang mga nakatira rito,ngunit ngayonay mga mamamatay-tao.22Datiʼy mahalaga ka tulad ng pilak,ngunit ngayon ay wala ka nang silbi.Noon para kang mamahaling alak,ngunit ngayon ay para ka nang alakna may halong tubig.23Ang mga pinuno moʼy mga suwailat kasabwat ng mga magnanakaw.Gusto nila palagi ng suhol,at nanghihingi ng mga regalo.Hindi nila ipinagtatanggolang karapatan ng mga ulilaat hindi rin nila pinapakingganang daing ng mga biyuda.
24Kaya sinabi ngPanginoon ng mga Hukbo,ang Diyos na Makapangyarihan ng Israel,“Ipapatikim kosa aking mga kaaway ang aking pootipararanas kosa kanila ang aking paghihiganti.25Parurusahan ko kayoupang magbago kayo,katulad ng pilak na dinadalisay sa apoy.26Muli ko kayong bibigyan ng mga pinunoat mga tagapayo,katulad noong una.At ang inyong lungsod ay tatawaginglungsod ng mga matuwidat tapat na mga tao.”
27Magsisisi ang mga tao sa Jerusalem, at ito ay ililigtas ng Panginoonat magiging matuwid ang pagtratong mga pinunosa lahat ng mga mamamayan.28Ngunit lilipulin niya ang mga suwailat mga makasalanan,ang mga taongtumalikod sa Panginoon.
29Mapapahiya kayong mga taga-Jerusalemdahil sa pagsamba ninyosa mga puno ng ensinaat sa mga sagradong halamanan.30Matutulad kayosa isang nalalantang puno ng ensina,at sa isang halamananghindi nadidiligan.31Ang mga makapangyarihan sa inyoay magiging katulad ng tuyong kahoyna madaling masunog,at ang masasama nilang gawaay magiging parang tilamsik ng apoyna susunog sa kanila.Walang makatutupok sa apoy na iyon.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3