Ang Awit6

1O babaeng pinakamaganda,nasaan na ang iyong mahal?Saan siya nagpuntaupang matulungan ka naminghanapin siya?2Ang aking mahalay nagpunta sa kanyang hardin,sa taniman ng mga halaman naginagawang pabango,upang dooʼy mamasyalat manguha ng mga liryo.3Akoʼy sa aking mahal,at ang mahal ko namanay sa akin lang.Nagpapastol siyasa gitna ng mga liryo.4O napakaganda mo, irog ko.Kasingganda ka ng lungsod ng Tirzaat kabigha-bighani gaya ng Jerusalem.Kamangha-mangha kagaya ng mga kawalna may dalang mga bandila.5Huwag mo akong titigansapagkat akoʼy naguguluhan.Ang buhok moʼy parang kawan ng kambingna bumababa sa Bundok ng Gilead.6Ang mga ngipin moʼy kasimputing kawan ng tupang bagong paligo.Buong-buo at magandaang pagkakahanay nito.7Mamula-mula ang noo mong natatakpan ng belo,tulad ng bunga ng pomegranata.8Kahit na akoʼy may animnapung asawang reyna,walumpung asawang alipin,at hindi mabilang na mga dalaga,9nag-iisa lamang ang aking sinisinta.Ang aking kalapati ay walang kapintasan,nag-iisa at itinatanging anak na babaeng kanyang ina.Ang mga babaeng nakakakita sa kanyaay hindi mapigilang purihin siya.Kahit na ang mga asawang reynaat asawang alipinay humahanga sa kanya.10Sino ba itong dumarating na tuladng bukang-liwayway,singganda ng buwan,singliwanag ng araw,at kamangha-manghang tuladng mga pumaparadang bituin? 11Pumunta ako sa taniman ng almendraupang tingnan ang mga bagong tanimna sumibol sa may lambak,at upang tingnan na rinkung umuusbong na ang mga ubasat kung ang mga pomegranataay namumulaklak na.12Hindi ko namalayan,ako palaʼy nandoon nasa maharlikang higaankasama ang aking mahal.13Bumalik ka, dalagang taga-Shulam,bumalik kaupang ikaw ay aming pagmasdan. LalakiBakit gusto ninyong pagmasdanang dalaga ng Shulamna sumasayaw sa gitnang mga manonood?

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3