Ang Awit5

1Nasa hardin ako ngayon,aking irog na magiging kabiyak ko.Nanguha ako ng miraat mga pabango.Kinain ko ang aking pulotat ininom ang aking alak at gatas.Mga Babae ng JerusalemKayong mga nagmamahalan,kumain kayo at uminom.2Habang akoʼy natutulog,nanaginip ako.Narinig kong kumakatokang mahal ko.Ang sabi niya,“Papasukin mo ako, irog ko.Basang-basa na ng hamogang ulo ko.”3Hinubad ko na ang aking damit,isusuot ko pa ba itong muli?Hinugasan ko na ang aking mga paa,dudumihan ko pa ba itong muli?4Nang ipasok ng aking mahalang kanyang kamay sa tarangkahan,nanabik sa kanya ang aking puso.5Akoʼy bumangonupang ang aking sintaʼy papasukin.Basang-basa ng pabangoang mga kamay ko,tumutulo ang mira sa daliri kosa tarangkahan ng pinto.6Binuksan ko ang pinto para sa aking mahal,ngunit wala na siya.Hinanap ko siya,ngunit hindi ko siya makita.Tinawag ko siya,ngunit walang sumagot.7Nakita ako ng mga guwardiyana naglilibot sa lungsod.Pinalo nila ako,at akoʼy nasugatan.Kinuha  pa nila ang aking damit.8Kayong mga babae ng Jerusalem,mangako kayo sa akin!Kapag nakita ninyo ang aking mahal,sabihin ninyo sa kanyangnanghihina akodahil sa pag-ibig.9O babaeng pinakamaganda,ano baʼng mayroon sa iyong minamahalna wala sa iba,at kami ay iyong pinasusumpa pa?Siya baʼy talagang nakakahigit sa iba?10Ang aking mahal ay maningningat ang kutis niyaʼy mamula-mula.Sa sampung libong lalakiay nakahihigit siya.11Ang ulo niyaʼy parang pinakapurong ginto.Buhok niyaʼy kulot at kasing-itim ng uwak.12Mga mata niyaʼy kumikinangtulad ng kalapati sa tabi ng batis,parang itong hinugasan ng gatasat nakakabit na parang hiyas.13Ang mga pisngi niyaʼy kasimbangong mga harding punong-punong mga halamang ginagawang pabango.Ang mga labi niyaʼy parang mga liryona tumutulo ng mira.14Mga bisig niyaʼy tilamahahabang bareta ng gintona napapalamutian ng mamahaling bato.Katawaʼy tila pangil ng elepante,makinang at napapalamutianng mga batong safiro.15Mga paa niyaʼy tuladng mga haliging marmolna nakatayo sa pundasyong ginto.Napakaganda niyang pagmasdan,tulad ng mga puno ng sedro sa Lebanon.16Kay tamis halikanang kanyang bibig.Tunay ngang siyaʼy kaakit-akit.O mga babae ng Jerusalem,siya ang aking mahal,ang aking iniibig.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3