Ang Awit4
1Napakaganda mo, O irog ko.Ang mga mata mong natatakpan ng beloay parang mga mata ng kalapati.Ang buhok moʼy parang kawan ng kambingna pababa sa Bundok ng Gilead.2Ang mga ngipin moʼy kasimputing kawan ng tupang bagong gupitat napaliguan.May kakambal ang bawat isa,at walang nawawala sa pagkakahanay nila.3Ang mga labi moʼyparang pulang laso,tunay ngang napakaganda.Ang mga pisngi mong natatakpan ng beloʼymamula-mula na parang bungang pomegranata.4Ang leeg moʼy kasinggandang tore ni David.Napapalamutian ng kuwintasna tila isang libong kalasagng mga kawal.5Ang dibdib moʼy kasintikasng tindig ng kambal na batang usana nanginginain sa gitna ng mga liryo.6Bago magbukang-liwaywayat bago mawala ang dilim,ako ay tutungo sa bundokna pinabango ng mira,sa burol na pinabango ng insenso.7O irog ko,ang lahat sa iyoʼy maganda.Walang maipipintas sa iyo.8Sumama ka sa akin,O aking magiging kabiyak,sumáma ka mula sa Lebanon.Bumaba tayo mulasa tuktok ng bundok Amana,mula sa itaas ng bundok Senir,sa pinakatugatog ng bundok Hermonmula sa kuweba ng mga leonat sa kabundukang puno ng mga leopardo.9Ang puso koʼy nabihag mo,o irog ko na aking magiging kabiyak.Ang puso koʼy nabihag mosa isang sulyap ng iyong mga mataat sa isang hiyas ng iyong kuwintas.10Ang pag-ibig mo aking irogay walang kasintamis.O aking magiging kabiyak,higit pa ito kaysa sa masarapna inumin.Ang samyo ng iyong pabangoʼymas mabango kaysa sa lahatng pabango.11Ang mga labi mo,aking magiging kabiyakay kasintamis ng pulot.Ang dila moʼytila may gatas at pulot.At ang damit moʼy kasimbangong mga puno ng sedro sa Lebanon.12O irog ko, aking magiging kabiyak,tulad ka ng isang halamananna may bukal at nababakuran.13Ang mga halaman ay namumunga,isang hardin na puno ng pomegranataat iba pang mga piling bunga,tulad ng halamang nardo at henna.14Maliban sa nardo,may safron, kalamo at sinamon,maging ang mga punong ibaʼt ibang klaseng insenso,tulad ng mira at aloeat iba pang mamahaling pabango.15Tulad ka ng isang bukal sa hardin,isang balon na dumadaloy,at umaagos pababa mula sa Lebanon.16Bumangon ka, hanging amihan,at pumarito ka, hanging habagat.Umihip kayo sa aking hardinupang kumalat ang bango nito.Papuntahin ang aking mahalsa kanyang hardinupang ang mga piling bunga nito ay kainin.
Biblica, Inc.