Ang Awit3

1Sa gabi, habang akoʼy nakahiga,nananabik ako sa aking minamahal.Hinahanap-hanap ko siya,subalit hindi makita.2Kaya bumangon akoʼt nilibot ang lungsod,mga lansangan, at mga liwasan.Hinanap ko ang aking mahal,pero hindi ko siya makita.3Nakita ako ng mga guwardiyana naglilibot sa lungsod.Tinanong ko sila,“Nakita ba ninyo ang minamahal ng puso ko?”4Hindi pa man ako nakakalayo sa kanila,nakita ko ang mahal ko.Hinawakan ko siya ng buong higpitat hindi binitiwan hanggang nadala ko siyasa bahay ng aking ina,doon sa silid kung saan ako nabuo.5Kayong mga dalaga ng Jerusalem,mangako kayo sa pamamagitanng mga batang usa at gasela,na hindi ninyo hahayaang ang pag-ibigay umusbong hanggaʼt hindi pa dumaratingang tamang panahon.
6Sino kaya itong dumarating mula sa ilangna tila makapal na usok na amoy miraat insensong itinitinda ng mangangalakal?7Tingnan ninyo!Iyan ang karwahe ni Solomon na napapalibutanng animnapung pinakamagagaling na kawal ng Israel.8Lahat silaʼy mayroong espadaat bihasa sa pakikipaglaban.Laging handakahit sa gabi man sumalakay.9Ang karwaheng iyonna ipinagawa ni Haring Solomonay yari sa kahoy na galing sa Lebanon.10Nababalot sa pilak ang haligi nitoat palamuting ginto ang tumatakip dito.Ang kutson ng upuanay binalot sa telang kulay ubeat mga babaeng taga-Jerusalemang nagpaganda ng loob ng karwahe.11Lumabas kayo,kayong mga dalaga ng Jerusalem, at tingnan ninyo si Haring Solomon na may korona.Ipinutong ito sa kanya ng kanyang inasa araw ng kanyang kasal,ang araw na buong puso niyang ikinagalak.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3