Ang Awit2

1Akoʼy isang bulaklak lamang ng Saron,isang liryo sa lambak.2Kung ihahambing sa ibang kababaihan,ang irog koʼy tulad ng liryosa gitna ng matinik na halamanan.3Kung ihahambing sa ibang kabinataan,ang mahal koʼy tulad ng puno ng mansanassa gitna ng mga puno sa kagubatan.Nananabik akong maupo sa lilim niya,at tikman ang matamis niyang bunga.4Dinala niya ako sa isang handaanupang ipakita sa lahat na akoay kanyang minamahal.5Pakainin ninyo ako ng pasas at mansanasupang akoʼy muling lumakas,sapagkat nanghina ako dahil sa pag-ibig.6Ulo koʼy nakaunan sa kaliwa niyang bisigat ang kanang kamay naman niyaay nakayakap sa akin.7Kaya kayong mga dalaga ng Jerusalem,mangako kayo sa pamamagitanng mga batang usa at gasela,na hindi ninyo hahayaang ang pag-ibigay umusbong hanggaʼthindi pa dumaratingang tamang panahon.
8Ayan na!Naririnig ko nang paparatingang aking mahal.Dumarating siyang patalon-talonna parang usa sa mga bundokat burol.9Ang aking minamahalay tulad ng batang usa.Tingnan ninyo! Naroon siyaʼtnakatayo sa likod ng pader,nakamasid sa may bintana,dumudungaw sa kurtina.10Sinabi niya sa akin,“Halika na irog kong magandaat sa akin ay sumáma ka.11Tapos na ang panahonng taglamig at tag-ulan.12Namumukadkad naang mga bulaklak sa parang,panahon na ng pag-aawitanat maririnig na rin ang huning mga kalapati sa kabukiran.13Ang mga bunga ng igos ay hinog na at humahalimuyak ang bulaklakng mga ubas.Halika na irog kong maganda,sa akin ay sumáma ka na.”14Aking kalapating nagtatagosa mga bitak ng malaking bato,sa mga taguan sa bangin.Ipakita mo sa akin ang iyong mukha,at iparinig din ang iyong tinig,dahil napakalambing ng tinig mo,at napakaganda ng mukha mo.15Bilis!Hulihin ang mga asong-gubat  na sumisirang aming mga ubasang namumulaklak.16Akin lang ang mahal ko,at ako naman ay kanya lang.Nagpapastol siyasa gitna ng mga liryo.17Bago magbukang-liwaywayat magliwanag,magbalik ka, mahal ko.Tumakbo ka na kasimbilisng batang usa o gasela sa kabundukan.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3