Ang Awit1
1Ang pinakamagandang awit ni Solomon. 2Paliguan mo ako ng iyong mga halik.Sapagkat mas matamis pakaysa alak ang iyong pag-ibig.3Kay sarap amuyin ng iyong pabango,at ang ganda ng pangalan mo,kaya hindi kataka-takangang mga dalagaʼy napapaibig sa iyo.4Sige na, O aking hari,dalhin mo ako sa iyong silid.Mga Babae ng JerusalemSa piling mo, kami ay maligaya.Mas gusto pa namin ang pag-ibig mokaysa anumang inumin.BabaeTama lang na umibig sila sa iyo!5O mga babaeng taga-Jerusalem,maitim nga ako gaya ng mga tolda sa Kedar,ngunit maganda naman tulad ng kurtinasa palasyo ni Solomon.6Huwag ninyo akong hamakin dahil sa kulay ng aking balat.Maitim nga sapagkat nabibiladsa init ng araw.Nagalit sa akin ang mga kapatid kong lalaki,at doon sa ubasan akoʼy pinagtrabaho nila.Dahil ditoʼy napabayaan koang sarili ko. 7Mahal, sabihin mo sa akinkung saan ka nagpapastolng iyong kawan ng mga tupa.Saan mo sila pinagpapahingatuwing tanghali?Sabihin mo sa akin upang hindi na kita hanapinsa mga kaibigan mong nagpapastol din.Dahil baka akoʼy mapagkamalanna isang babaeng bayaran.8Kung hindi mo alam,O babaeng ubod ng ganda,sundan ang bakas ng aking mga tupa.Papunta ito sa tolda ng mga pastol,at mga batang kambing moay doon mo na rin ipastol.9O irog ko, tulad moʼy isang babaeng kabayong karwahe ng hari ng Ehipto. 10Napakaganda ng iyong mga pisngi,na lalong pinaganda ng mga alahas.O anong ganda rin ng iyong leegna sinuotan ng kuwintas.11Ikaʼy igagawa namin ng alahasna yari sa mga ginto at pilak.12Habang ang hariʼy nasa kanyang mesa,pabango koʼy humahalimuyak.13Parang samyo ng miraang bango ng aking iniibig,habang sa aking dibdibsiya ay nakahilig.14Ang mahal koʼy tulad ng kumpolng mga bulaklak na henna,na namumulaklak doonsa ubasan ng En-gedi. 15Napakaganda mo, aking giliw.Mga mata moʼy kasimpungayng mga mata ng kalapati.16Kay kisig mo, mahal ko.Napakaganda mong pagmasdan!Ang damuhang luntian ang ating higaan.17Ang mga haligi ng ating tahananay mga sedro,at mga sipres naman ang mga biga nito.
Biblica, Inc.