Ang Mangangaral12
1Alalahanin mo ang lumikha sa iyohabang ikaw ay bata paat bago dumating ang panahon ng kahirapanat masabi mong,“Hindi ako masaya sa aking buhay.”2Alalahanin mo siyabago dumilim ang araw, ang buwanat ang mga bituin na parangnatatakpan ng makakapal na ulap.3Darating ang araw na manginginigang iyong mga bisig at manghihina ang iyong mga tuhod. Hindi ka na makakanguyang mabutidahil iilan na lang ang iyong ngipin. At lalabo na nang tuluyanang iyong paningin. 4Ang tainga moʼyhindi na halos makarinig,kahit ang ingay ng gilingano huni ng mga ibono mga awitin ay hindi na marinig.5Matatakot kang umakyatsa matataas na lugaro lumakad sa lansangan nang nag-iisa.Puputi na ang iyong buhok,hindi ka na halos makakalakadat mawawala na ang lahatng iyong pagnanasa.Sa bandang huli, pupunta kasa iyong tahanang walang hangganat marami ang magluluksa para sa iyosa mga lansangan.6Kaya alalahanin mo ang Diyoshabang nabubuhay ka,habang hindi pa nalalagotang kadenang pilakat hindi pa nababasag ang gintong lalagyan,o hindi pa nalalagot ang taling timba sa balon,at nasisira ang kalo nito.7Kung magkagayon, babalik ka sa lupakung saan ka nagmulaat ang espiritu moʼy babalik sa Diyosna siyang nagbigay nito.8Sabi ng mangangaral, “Walang kabuluhan!Tunay na walang kabuluhan ang lahat!”
Paggalang at Pagsunod sa Diyos
9Bukod sa pagiging marunong nitong mangangaral, itinuturo din niya sa mga tao ang lahat ng kanyang nalalaman. Pinag-aralan niyang mabuti ang mga kasabihang binanggit niya rito.10Pinagsikapan niyang gamitin ang mga nararapat na salita, at ang lahat ng isinulat niya rito ay tama at totoo.11Ang mga salita ng marunong ay parang matulis na tungkod na pantaboy ng pastol sa paggabay sa kanyang kawan o parang pakong nakabaon. Ibinigay ito ng Diyos na tangi nating tagabantay.12Anak, mag-ingat ka sa isa pang bagay na ito: Ang pagsusulat ng aklat ay walang katapusan, at ang labis na pag-aaral ay nakakapagod.13Ngayong nabasa mona ang lahat ng ito,ito ang aking huling payo:Matakot ka sa Diyosat sundin mo ang kanyang mga utos,dahil ito ang tungkulinng bawat tao.14Sapagkat hahatulan tayo ng Diyosayon sa lahat ng ating ginagawa,mabuti man o masama,hayag man o lihim.Biblica, Inc.