Mga Salmo98

Isang Awit.

1Umawit ng bagong awit sa Panginoon,sapagkat kahanga-hangaang kanyang mga gawa!Sa kanyang kapangyarihan at kalakasaʼytinalo niya ang ating mga kaaway.2Ipinakita ng Panginoonsa mga bansaang kanyang pagliligtasat pagiging makatuwiran.3Hindi niya kinalimutanang kanyang pag-ibigat katapatan sa Israel.Nakita ng lahat ng taosa buong mundoang pagliligtas ng ating Diyos.
4Kayong lahat ng tao sa buong mundo,sumigaw kayo sa galak sa Panginoon!Buong galak kayong umawitng papuri sa kanya.5Umawit kayo ng mga papuri sa Panginoonhabang tinutugtog ang mga alpa.6Patunugin ang mga trumpeta at tambuli;sumigaw kayo sa galak sa harapan ng Panginoon, na Hari.
7Magalak ang dagatat ang lahat ng naninirahan dito,gayundin ang buong mundo at ang lahat ng narito.8Magpalakpakan ang mga ilogat sabay-sabay na magsiawit sa tuwaang mga kabundukan.9Magalak sila sa presensya ng Panginoon na haridahil darating siya upang hatulanang lahat ng tao sa buong mundo.Hahatulan niya sila nang matuwidat walang kinikilingan.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3