Mga Salmo99
1Naghahari ang Panginoonat nakaupo sa gitna ng mga kerubin.Kaya ang mga taoʼy nanginginig sa takotat ang mundoʼy nayayanig.2Makapangyarihan ang Panginoon sa Zion, dinadakila siya sa lahat ng bansa.3Magpupuri ang mga tao sa kanyadahil siya ay makapangyarihan at kagalang-galang.Siya ay banal!4Siyaʼy Haring makapangyarihan at ang nais niyaʼy katarungan.Sa kanyang paghatol ay wala siyang kinikilingan.Ang ginagawa niya sa Israel ay matuwid at makatarungan.5Purihin ang Panginoon na ating Diyos.Sambahin siya sa kanyang trono. Siya ay banal!6Sina Moises at Aaron ay kanyang mga pari,at si Samuel ay isa sa mga nanalangin sa kanya.Tumawag sila sa Panginoonat tinugon niya sila.7Nakipag-usap siya sa kanilamula sa ulap na parang haligi;sinunod nila ang mga katuruanat tuntunin na kanyang ibinigay.8Panginoon naming Diyos,sinagot nʼyo ang dalangin ng inyong mga mamamayan. Ipinakita nʼyo sa kanila na kayo ay Diyos na mapagpatawadkahit na pinarusahan nʼyo sila sa kanilang mga kasalanan.9Purihin ang Panginoon na ating Diyos.Sambahin siya sa kanyang banal na Bundok,dahil ang Panginoon na ating Diyos ay banal.
Biblica, Inc.