Mga Salmo97
1Ang Panginoon ay naghahari!Kaya magalak ang mundo,pati na ang mga isla.2Napapalibutan siya ng makakapal na ulapat naghahari nang may katuwiran at katarungan.3May apoy sa unahan niyaat sinusunog nito ang mga kaaway niyangnakapalibot sa kanya.4Ang mga kidlatniyaʼy nagliliwanag sa mundo.Nanginginig sa takot ang mga taokapag nakikita ito.5Natutunaw na parang kandilaang mga kabundukansa presensya ng Panginoon,ang Panginoon na naghaharisa buong mundo.6Ipinapahayag ng langit ang kanyang katuwiran,at nakikita ng lahat ng taoang kanyang kaluwalhatian.7Mapapahiya ang lahat ng sumasambasa mga diyos-diyosanat ang mga ipinagmamalaki ang mga ito.Kayong lahat na mga diyos-diyosanlumuhod at sambahin ninyo ang Diyos.8Panginoon, narinig ng mga taga-Zion at ng mga taga-Juda ang tungkol sa inyongwastong pamamaraan ng pamamahala,kaya tuwang-tuwa sila.9Dahil kayo, Panginoon, ang Kataas-taasang Diyosay naghahari sa buong mundo.Higit kayong dakila kaysasa lahat ng mga diyos.10Kayong mga umiibig sa Panginoonay dapat mamuhi sa kasamaan.Dahil iniingatan ng Panginoonang buhay ng kanyang mga tapat na mamamayanat inililigtas niya sila sa masasama.11Ang kabutihan ng Diyosay sumisinag sa matutuwidat nagbibigay ito ng kagalakan sa kanila.12Kayong matutuwid, magalak kayo sa Panginoon.Pasalamatan siya at purihinang kanyang pangalan!
Biblica, Inc.