Mga Salmo96
1Kayong mga tao sa buong mundo,umawit kayo ng mga bagong awit sa Panginoon!2Awitan ninyo ang Panginoonat purihin ang kanyang pangalan.Ipahayag ninyo sa bawat arawang tungkol sa pagligtas niya sa atin.3Ipahayag ninyo sa lahat ng mamamayansa mga bansaang kanyang kapangyarihanat mga kahanga-hangang gawa.4Dahil dakila ang Panginoon,at karapat-dapat papurihan.Dapat siyang katakutan nang higit pakaysa anumang mga diyos.5Sapagkat ang lahat ng diyos ng ibang mga bansaay pawang diyos-diyosan lamang.Ngunit ang Panginoon, siya ang lumikha ng langit.6Nasa kanya ang kapangyarihanat karangalan;at nasa Templo niya ang kalakasanat kagandahan.7Purihin ninyo ang Panginoon,kayong lahat ng tao sa mundo.Purihin ninyo ang kanyang kaluwalhatian at kapangyarihan.8Ibigay ninyo sa Panginoon ang mga papuringnararapat sa kanya.Magdala kayo ng mga handogat pumunta sa Templo.9Sambahin ninyo ang kabanalan ng Panginoon.Matakot kayo sa kanya,kayong lahat ng nasa sanlibutan.10Sabihin ninyo sa mga bansa,“Naghahari ang Panginoon!”Matatag ang daigdig na kanyang nilikhaat hindi ito matitinag.Hahatulan niya ang mga taonang walang kinikilingan.11Magalak ang kalangitan at mundo,pati ang mga karagatan, bukirinat ang lahat ng nasa kanila.Lahat ng mga puno sa gubatay umawit sa tuwa13sa presensya ng Panginoon.Dahil tiyak na darating siya upang hatulanang mga tao sa mundobatay sa kanyang katuwiran at katotohanan.
Biblica, Inc.