Mga Salmo95

1Halikayo, magsiawit tayonang may kagalakan!Sumigaw tayo sa pagpupuri sa Panginoonna ating Batong kanlungan at tagapagligtas.2Lumapit tayo sa kanya nang may pasasalamat,at masaya nating isigaw ang mga awitng papuri sa kanya.
3Dahil ang Panginoonay dakilang Diyos.Makapangyarihang Hari sa lahat ng mga diyos-diyosan.4Hawak niya ang kailaliman ng lupamaging ang tuktok ng mga bundok ay sa kanya.5Sa kanya rin ang dagat pati ang lupainna kanyang ginawa.6Halikayo, lumuhod tayo at sumambasa Panginoon na lumikha sa atin.7Dahil siya ang ating Diyosat tayo ang kanyang mga mamamayan;tulad natiʼy mga tupa sa kanyang kawanna kanyang binabantayan at inaalagaan.Kung maririnig nʼyo lang sana ang tinig niya!8Sinasabi ng Panginoon,“Huwag ninyong patigasin ang inyong puso,tulad ng ginawa noon ng inyong mga ninunodoon sa Meriba at sa ilang ng Masa.9Sinubok nila ako doon,kahit na nakita nila ang mga ginawa ko.10Sa loob ng apatnapung taon,lubha akong nagalit sa kanila.At sinabi kong silaʼy mga taong naligaw ng landasat hindi sumusunod sa aking mga itinuturo.11Kaya sa galit koʼy sumumpa akona hinding-hindi nila mararanasanang kapahingahang inilaan ko sa kanila.”

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3