Mga Salmo94
1Panginoon, kayo ang Diyos na naghihiganti.Ipakita nʼyo na ang inyong katarungan.2Kayo ang humahatol sa lahat ng tao,kumilos na po kayo Panginoon,gantihan nʼyo na nang nararapat ang mayayabang.3Hanggang kailan magdiriwang ang masasama,Panginoon?4Silang lahat na gumagawa ng masamaay ubod ng yabang.5Inaapi nila ang inyong mga mamamayan, Panginoonsinasaktan nila ang inyong mga hinirang.6Pinapatay nila ang mga biyudaat mga dayuhan, pati na ang mga ulila.7Sinasabi nila, “Hindi makikita ng Panginoon ang ginagawa namin;hindi ito mapapansin ng Diyos ni Jacob.”8Kayong mga hangal at mahihina ang utak,kailan ba kayo makakaunawa?Unawain ninyo ito:9Ang Diyos na gumawa ng ating mga tainga at mata,hindi ba nakakarinig o nakakakita?10Akala nʼyo baʼy hindi ni magpaparusa ang Diyosna siyang dumidisiplina sa mga bansa?Akala nʼyo baʼy kulang siya sa kaalaman?11Alam ng Panginoon na ang iniisip ng mga taoay walang kabuluhan.12O Panginoon, pinagpala ang taongpinangangaralan nʼyosa pamamagitan ng pagtuturo sa kanyang inyong mga kautusan.13Tinuturuan nʼyo siyaupang magkaroon siya ng kapayapaansa oras ng kaguluhan hanggang sa orasna ang masasamá ay inyong parusahan.14Dahil hindi nʼyo itatakwil, Panginoon,ang mamamayang pag-aari ninyo.15Darating ang araw na ang paghatolay muling magiging makatarunganat itoʼy susundin ng lahat ng namumuhaynang matuwid.16Walang tumutulong sa akinlaban sa mga taong gumagawa ng kasamaankundi kayo lang, Panginoon.17Kung hindi nʼyo ako tinulungan Panginoon,maaaring patay na ako ngayon.18Nang sabihin kong parangmamamatay na ako,ang inyong pag-ibig at awa, Panginoon,ang tumulong sa akin.19Kapag gulong-gulo ang isip ko,inaaliw nʼyo ako at akoʼy sumasaya.20Hindi kayo maaaring pumanig sa masasamang hukom na gumagawa ng kasamaansa pamamagitan ng kautusan.21Sama-sama silang kumakalaban sa matutuwidat hinahatulan nila ng kamatayan ang walang kasalanan.22Ngunit kayo, Panginoon na aking Diyosay aking tagapagtanggolat batong kanlungan.23Parurusahan nʼyo siladahil sa kanilang mga kasalanan.Tiyak na lilipulin nʼyo sila,O Panginoon naming Diyos.
Biblica, Inc.