Mga Salmo93
1Kayo ay hari, Panginoon;nadadamitan ng karangalanat kapangyarihan.Matatag ninyong itinayo ang mundokaya hindi ito matitinag.2Ang inyong trono ay naitatag nasimula pa noong una,naroon na kayo noon pa man.3Panginoon, umuugong ang dagatat nagngangalit ang mga alon.4Ngunit Panginoong nasa langit,higit kayong makapangyarihankaysa sa mga nagngangalit na alon.5Mapagkakatiwalaan ang inyong mga utos Panginoon,at ang inyong Temploʼy nararapat lamangna ituring na banal magpakailanman.
Biblica, Inc.