Mga Salmo92
Awit na inaawit sa Araw ng Pamamahinga.
1Kataas-taasang Diyos na Panginoon namin,napakasarap magpasalamatat umawit ng papuri sa inyo.2Napakasarap ipahayagang inyong pag-ibig at katapatan,araw at gabi,3habang tumutugtog ng mga instrumentongmay kuwerdas.4Sapagkat pinasaya nʼyo ako, Panginoon,sa pamamagitan ng inyongmga kahanga-hangang gawa.At dahil dito, akoʼy umaawit sa tuwa.5O Panginoon, kay dakila ng inyong mga gawa.Hindi namin kayang unawain.6Hindi maunawaan ng mga hangal at matitigas ang ulo7na kahit umunlad ang taong masamagaya ng damong lumalago,ang kahahantungan pa din niyaay walang hanggang kapahamakan.8Ngunit kayo, Panginoon,ay dakila sa lahat magpakailanman.9Tiyak na mapapahamakang lahat ng inyong kaawayat kakalat ang lahatng gumagawa ng masama.10Pinalakas nʼyo ako natulad ng lakas ng toroat binigyan nʼyo rin ako ng kagalakan. 11Nasaksihan ko ang pagkatalong aking mga kaaway,at narinig ko ang pagdaing ng masasamang kumakalaban sa akin.12Uunlad ang buhay ng mga matuwidgaya ng mga palma,at tatatag na parang puno ng sedrona tumutubo sa Lebanon.13Para silang mga punong itinanim sa templo ng Panginoon na ating Diyos,na tumutubo nang mayabong,14lumalago at namumungakahit matanda na,berdeng-berde ang mga dahonat nananatiling matatag.15Ipinapakita lamang nito na ang Panginoon,ang aking Batong kanlungan, ay matuwid.Sa kanyaʼy walang anumangkalikuan na matatagpuan.Biblica, Inc.