Mga Salmo91

1Ang sinumang nananahansa piling ng Kataas-taasang Diyosna Makapangyarihanay kakalingain niya.2Ito ang masasabi ko tungkol sa Panginoon,“Siya ang kumakalingaat nagtatanggol sa akin.Siya ang aking Diyosat sa kanya ako nagtitiwala.”3Tiyak na ililigtas ka niyasa bitag ng masasamaat sa mga nakamamatay na salot.4Iingatan ka niyagaya ng pag-iingat ng inahinsa kanyang mga inakaysa pamamagitan ng kanyang pakpak.Ang kanyang katapatanang iyong magiging pananggalangat tanggulan.5At sa gabi, hindi ka matatakotsa anumang bagay,maging sa palaso ng mga kaaway,kapag sumapit ang araw,6o sa sakit at mga salot na dumaratingsa gabi man o araw.7Kahit libu-libo pa ang mamataysa paligid mo,wala pa ring masamang mangyayari saʼyo.8Matutunghayan mo lamangkung paano pinaparusahanang mga taong masasama.9Dahil ginawa mong kanlungan ang Panginoon,ang Kataas-taasang Diyos na aking tagapagtanggol,10walang kasamaan, kalamidado anumang salotang darating sa iyo o sa iyong tahanan.11Sapagkat uutusan ng Diyosang kanyang mga anghelna ingatan ka saan ka man magpunta.12Bubuhatin ka nila upang hindi tumamaang iyong mga paa sa bato. 13Tatapakan mo ang mga leonat mga makamandag na ahas.
14Sinabi ng Diyos,“Ililigtas ko at iingatan ang umiibigat kumikilala sa akin.15Kapag tumawag siya sa akin,sasagutin ko siya.Sasamahan ko siya,sa oras ng kaguluhan.Ililigtas ko siya at pararangalan.16Bibigyan ko siya ng mahabang buhayat ipararanas ko sa kanyaang aking pagliligtas.”

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3