Mga Salmo90

Ang panalangin ni Moises na lingkod ng Diyos.

1Panginoon, kayo ang aming naging tahanansa lahat ng salinlahi.2Bago nʼyo pa likhain ang mga bundok,ang mundo, at ang sanlibutan,kayoʼy nariyan na,sapagkat kayoʼy Diyosmagpakailanman.3Kayo ang nagpapasya kung kailan mamamatayang isang tao.Ibinabalik nʼyo siya sa lupadahil sa lupa siya nagmula.4Ang isang libong taon sa aminay parang isang araw langna lumipas sa inyo,o parang ilang oras lang sa gabi.5Winawakasan nʼyo ang aming buhayna parang isang panaginipna biglang nawawala,6o para ding damong tumutuboat lumalago sa umaga,ngunit kinahapunaʼy natutuyoat nalalanta.7Dahil sa inyong galitkami ay natutupok.Sa tindi ng inyong pootkami ay natatakot.8Nakikita nʼyo ang amingmga kasalanan,kahit ang mga kasalananglihim naming ginawaay inyong nalalaman.9Totoong sa galit nʼyokami ay mamamatay;matatapos ang aming buhaysa isang buntong hininga lamang.10Ang buhay namin ay hanggang pitumpung taon lang,o kung malakas pa ay aabotng walumpung taon naman.Ngunit kahit ang aming pinakamagandang mga taonay puno ng paghihirap at kaguluhan.Talagang hindi magtatagalang buhay naminat kami ay mawawala.11Walang lubos na nakakaunawang inyong matinding galit.Matindi nga kayong magalit,kaya nararapat kayong katakutan.12Ipaunawa nʼyo sa aminna ang buhay namin ay maiksi lang,upang matuto kaming mamuhaynang may karunungan.13Panginoon, hanggang kailan kayomagagalit sa amin?Dinggin nʼyo kami at kahabagan,kami na inyong mga lingkod.14Tuwing umagaʼy ipadama nʼyo sa aminang inyong tapat na pag-ibig,upang umawit kami nang may kagalakanat maging masaya habang nabubuhay.15Bigyan nʼyo kami ng kagalakanna kasintagal ng panahon na kamiay inyong pinarusahan at pinahirapan.16Ipakita nʼyo sa amin na inyong mga lingkod,at sa aming mga salinlahi,ang inyong kapangyarihanat mga dakilang gawa.17Panginoon naming Diyos,pagpalain nʼyo sana kamiat pagtagumpayin ang aming mga gawain.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3