Mga Salmo89

Isang maskil na isinulat ni Etan na angkan ni Ezra.

1Panginoon, aawitin koang tungkol sa inyong tapatna pag-ibig magpakailanman.Ihahayag ko sa lahat ng salinlahiang inyong katapatan.2Ipapahayag ko na hindi matitinagang inyong walang hanggang pag-ibig,at itoʼy mananatili tulad ng kalangitan.
3Ang sabi ninyoʼy,“Gumawa ako ng kasunduansa aking lingkod na si Davidna aking pinili upang maging hari.Ito ang ipinangako ko sa kanya:4Ang bawat hari ng Israelay manggagaling sa iyong lahi;ang iyong kaharianay magpapatuloy magpakailanman.”5Panginoon, maging ang mga nilalangsa langit ay nagpupuridahil sa inyong katapatanat mga kahanga-hangang gawa.6Walang sinuman doon sa kalawakanang makakapantay sa ninyo, Panginoon.Walang sinuman sa mga naroon ang katulad nʼyo, Panginoon.7Iginagalang kayo sa pagtitiponng mga banal sa langit.Higit kayong kahanga-hangakaysa sa sinumansa mga nakapalibot sa inyo.8O Panginoong Diyos ng mga Hukbo,wala kayong katulad.Makapangyarihan kayo Panginoonat tapat sa lahat ng inyong ginagawa.9Nasa ilalim ng kapangyarihan nʼyoang nagngangalit na dagat,pinatatahimik ninyoang mga malalaking alon.10Dinurog nʼyo ang dragonna si Rahab,at namatay ito.Sa pamamagitan ng inyong kapangyarihanay ikinalat nʼyo ang inyong mga kaaway.11Sa inyo ang langit at lupa;ang mundo at ang lahat ng naritoay inyong nilikha.12Nilikha nʼyo ang hilagaat ang timog.Ang mga bundok ng Tabor at Hermonay parang mga taong umaawit sa inyonang may kagalakan.13Ang lakas nʼyo ay walang kapantay;ang inyong kanang kamay ay nakataasat makapangyarihan!14Katuwiran at katarungan ang pundasyonng inyong paghaharina pinangungunahan ng tapat na pag-ibigat katotohanan.15Panginoon, mapalad ang mga taongnakaranas na sumigaw sa kagalakandahil sa inyo.Namumuhay sila sa liwanagna nagmumula sa inyo.16Buong araw silang nagsasayaat nagpupuri sa inyo.Ikinagagalak nila ang inyong katuwiran.17Sapagkat ikaw ang kanilang karangalanat kalakasan,at dahil sa inyong kabutihan kami ay magtatagumpay.18Panginoon, Banal na Diyos ng Israel,ikaw ang humirang sa harina sa amin ay nagtatanggol.19Noon, nagsalita kayo sa inyongmga tapat na lingkodsa pamamagitan ng pangitain.Sinabi nʼyo, “May hinubog akongisang mandirigma.Pinili ko siya mulasa mga karaniwang tao,at ginawang hari.20Si David na aking lingkodang pinili kong harisa pamamagitan ng pagpahid sa kanyang banal na langis.21Ang kapangyarihan ko ang makakasama niya,at magpapalakas sa kanya.22Hindi siya malilinlang ng kanyang mga kaaway.Hindi magtatagumpay laban sa kanyaang masasamâ.23Dudurugin ko sa kanyang harapanang kanyang mga kaaway,at lilipulin ang mga may galit sa kanya.24Mamahalin ko siya at dadamayan.At sa pamamagitan ng akingkapangyarihanay magtatagumpay siya.25Paghahariin ko siya mula sa Dagatng Mediteraneohanggang sa Ilog ng Eufrates. 26Sasabihin niya sa akin,‘Kayo ang aking Ama,ang aking Diyos, ang Bato na aking kanlunganat kaligtasan.’27Ituturing ko siyang panganay kong anak,ang pinakamakapangyarihansa lahat ng hari.28Ang pag-ibig ko sa kanyaʼy magpakailanmanat ang kasunduan ko sa kanyaʼy mananatili.29Ang bawat hari ng Israelay magmumula sa kanyang angkan;ang kanyang paghahariay magiging matatag tulad ng kalangitanat mananatili magpakailanman.30Ngunit kung ang mga anak niyaay tumalikod sa aking kautusanat hindi mamumuhay ayon sa aking pamamaraan,31at kung lalabagin nilaang aking mga tuntuninat kautusan,32parurusahan ko sila sa kanilangmga kasalanan.33Ngunit mamahalin ko pa rinat dadamayan si David.34Hindi ko sisirain ang aking kasunduan sa kanya,at hindi ko babawiin ang aking ipinangako sa kanya.35Nangako na ako kay Davidayon sa aking kabanalanat hindi ako maaaring magsinungaling.36Ang bawat hari ng Israelay magmumula sa kanyang lahimagpakailanman,gaya ng araw,37at magpapatuloy ito magpakailanmankatulad ng buwan na itinuturingna tapat na saksi sa kalangitan.”38Ngunit, Panginoon, nagalit kayosa inyong piniling hari;itinakwil nʼyo siya at iniwanan.39Binawi nʼyo ang kasunduansa inyong lingkodat kinuha sa kanya ang kapangyarihanbilang hari.40Winasak ninyo ang mga paderng kanyang lungsodat ginuho ang mga pinagtataguan nila.41Kaya lahat ng dumadaansa kanyang kaharian ay nananamantala,pinagsasamsam ang mga kagamitan sa lungsod.Pinagtatawanan siya ng mga katabing bansa.42Pinagtagumpay nʼyo ang kanyang mga kaawayat pinasaya silang lahat.43Winalang kabuluhan ninyoang kanyang mga sandataat ipinatalo siya sa labanan.44Winakasan nʼyo ang kanyang katanyaganpati na ang kanyang kapangyarihanbilang hari.45At dahil ditoʼy, nagmukha siyang matandasa bata niyang edad.Inilagay nʼyo siya sa kahihiyan.46Panginoon, hanggang kailannʼyo kami pagtataguan?Wala na ba itong katapusan?Hanggang kailan mag-aapoyang inyong galit sa amin?47Alalahanin nʼyo kung gaano kaiksiang buhay ng tao.Alalahanin nʼyong nilikha nʼyo ang taona may kamatayan.48Sinong tao ang hindi mamamatay?Maiiwasan ba ng tao ang kamatayan?49Panginoon, nasaan na ang dati ninyong pag-ibig?Ang pag-ibig na ipinangako nʼyo kay Davidayon sa inyong katapatan sa kanya?50Alalahanin nʼyo, Panginoon,kung paanong hiniya ng maraming bansaang iyong lingkod  at ito ay aking tiniis.51Ang mga kaaway nʼyo, Panginoon,ang siyang kumukutyasa pinili nʼyong hari, saan man siya magpunta.
52Purihin ang Panginoon magpakailanman!Amen! Amen!

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3