Mga Salmo9
Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David ayon sa tono ng awiting, “Ang Pagkamatay ng Anak.”
1Panginoon, buong puso kitang pasasalamatan.Ilalahad ko ang lahatng inyong ginawang kahanga-hanga.2Dahil sa inyo, Kataas-taasang Diyosakoʼy magsasaya.Magagalak ako at aawitng mga papuri para sa inyo.Aawit ako ng mga papuri para sa inyo.3Kapag kayoʼy nagpapakita sa aking mga kaaway,natatakot sila at umaatras;tumatakas sila at nadadapa,at sa inyong harapan silaʼy namamatay.4Nakaupo kayo sa inyong tronobilang matuwid na hukom.Noong akoʼy inyong hinatulan,napatunayan nʼyong wala akong kasalanan.5Hinatulan nʼyo at nilipolang mga bansang masasamâ,kaya hindi na sila maaalala magpakailanman.6Tuluyan nang nawala ang aking mga kaaway;sila ay lubusang nawasak.Giniba nʼyo rin ang kanilang mga bayan,at silaʼy lubusan nang makakalimutan.7Ngunit kayo, Panginoonay maghahari magpakailanman.At handa na ang inyong tronopara sa paghatol.8Matuwid ninyong pinamumunuanang sangkatauhan,silaʼy inyong hinahatulannang walang pagkiling kaninuman.9Panginoon, kayo ang kanlunganng mga inaapi,at kublihan sa panahon ng kahirapan.10Sa inyo nagtitiwalaang nakakakilala sa inyo,dahil hindi nʼyo itinatakwilang mga lumalapit sa inyo.11Magsiawit kayo ng papurisa Panginoon na hari ng Jerusalem!Ihayag ninyo sa mga bansaang kanyang mga ginawa!12Hindi niya nakakalimutan ang panawaganng mga pinahihirapan;pinaghihigantihan niyaang mga nagpapahirap sa kanila.13Panginoon, tingnan nʼyo poang pagpapahirap sa akinng aking mga kaaway.Maawa kayo sa akin,at iligtas nʼyo ako sa bingit ng kamatayan,14upang masabi ko sa lahat ng taosa pintuan ng Zion,ang inyong mga ginawa,at akoʼy magagalak at magpupuridahil sa inyong pagliligtas.15Nangyari mismo sa kanilang bansaang binalak nilang masama.Sila mismo ang nahulogsa sarili nilang bitag.16Kilala ang Panginoon sa kanyang mga gawang matuwid.Ang masasamaʼy napahamak,dahil rin sa kanilang masamang gawa.17Kamatayan ang hahantungan ng mga masasama.Ang mga lilimot sa Diyos,ganyan ang kahihinatnan nila.18Ang mga dukha ay hindi laging pababayaan,at ang pag-asa ng mga mahihirapay hindi na mawawala kailanman.19O Panginoon, huwag nʼyong pabayaang manaigang kakayahan ng mga tao;tipunin nʼyo sa inyong presensyaat hatulan ang mga taonghindi kumikilala sa inyo.20Turuan nʼyo silang matakot Panginoon,at nang malaman nilang silaʼy mga tao lamang.Biblica, Inc.