Mga Salmo10
1Panginoon, bakit napakalayo nʼyo?Bakit kayo nagtatagosa mga oras ng gulo?2Ang dukhaʼy pinahihirapanng masasama at mayayabang.Nawaʼy sa kanila mangyariang masasamang plano nila.3Ipinagmamalaki nila ang masasamang kagustuhanng kanilang puso.Pinupuri nila ang mga sakim,ngunit kinukutya ang Panginoon.4Dahil sa kahambugan ng mga taong masama,ang Diyos ay kanilang binabalewala,at wala siyang puwang sa pusoʼt isip nila.5Ang kanilang pamumuhayay laging matagumpay,walang pag-aalala na silaʼy hahatulan.Hinahamak nila ang lahat nilang kaaway.6Akala nilaʼy walang mangyayaring masama sa kanilaat wala silang magiging problema.7Silaʼy lapastangan kapag nagsasalita,mga sinungaling at mapagbanta,at sila rin ang sumasambitng mga salitang masasama at masasakit.8Sa mga nayon silaʼy nagtatago;nag-aabang ng mga inosentena kanilang papatayin.9Para silang leon na nakakubli at nag-aabang,para sakmalin at kaladkarin ang mahihirap.10Dahil malakas sila, ibinabagsak nilaang mga kawawa,hanggang sa hindi na makabangon pa.11Ang akala nilaʼy hindi silapinapansin ng Diyosat hindi niya nakikitaang kanilang mga ginagawa.12Parusahan nʼyo na po, Panginoong Diyos,ang taong masama.Huwag nʼyo pong pabayaanang mga inaapi.13Bakit nilalait ng taong masama ang Diyos?Sinasabi pa niya, “Hindi tayo parurusahan ng Diyos.”14Ngunit nakikita nʼyo, O Diyos,ang mga taong nagdurusa at naghihirap.Lumalapit sa inyo ang mga kaawa-awatulad ng mga naulila,at nakahanda kayong tumulong sa kanila.15Tanggalan nʼyo ng lakasang mga taong masama,at parusahan sila hanggang silaʼy tumigil nasa kanilang kasamaan.16Ang Panginoon, ay Hari magpakailanman!Ngunit ang mga bansang hindi kumikilala sa kanyaay palalayasin sa bayan niya.17Panginoon, naririnig ninyo ang dalangin ng mga mahihirap.Pinapakinggan ninyo sila at pinalalakas.18Ipinagtatanggol ninyo ang mga ulila at mga api,upang wala nang mga taongmananakot ng kapwa,sapagkat silaʼy tao rin lang.
Biblica, Inc.