Mga Salmo8

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David na sinasaliwan ng isang uri ng instrumento o inaawit ayon sa isang uri ng tono.

1O Panginoon, aming Panginoon,ang kadakilaan ng inyong pangalansa buong mundo ay matutunghayan,at ipinakita nʼyo ang inyong kaluwalhatianhanggang sa kalangitan.2Kahit ang mga bata at sanggolsa inyoʼy nagpupuri;Kaya ang inyong mga kaawayay napapahiya at tumatahimik.
3Kapag akoʼy tumitingalasa langit na inyong nilikha,at aking pinagmamasdan ang buwanat mga bituin sa kanilang kinalalagyan,4akoʼy napapatanong,“Ano ba ang tao upang inyong alalahanin?Sino nga ba siya upang inyong kalingain?”5Ginawa ninyong mas mababakaysa sa mga anghelang kanyang kalagayan.Ngunit kinoronahan nʼyo siyang kaluwalhatian at karangalan.6Ipinamahala nʼyo sa aminang inyong mga nilalang,at ipinasailalim sa aminang lahat ng bagay:7mga tupa, mga bakaat lahat ng mga mababangis na hayop,8ang mga ibon sa himpapawid,mga isda sa dagatat lahat ng lumalangoy doon.9O Panginoon, aming Panginoon,ang kadakilaan ng inyong pangalansa buong mundo ay natutunghayan.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3