Mga Salmo88

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ng mga anak ni Kora. Inaawit ito sa tono ng “Mahalat leanot”. Isang maskil ni Heman, na mula sa angkan ni Ezra.

1Panginoon, kayo ang Diyosna aking Tagapagligtas.Araw-gabi akong tumatawag sa inyo.2Dinggin ninyo ang aking dalanginpanawagan ko nawaʼy sagutin.3Napakaraming paghihirapang dumarating sa akin;para bang ang kamatayaʼy unti-untinglumalapit sa akin.4Akoʼy kabilang na sa mga ibinaon sa lupa;katulad koʼy taong hindi namatutulungan pa.5Pinabayaan na ako,kasama ng mga patay,parang isang nasawing nananahimik na langsa kanyang libingan,na kinalimutan nʼyo naat hindi tinutulungan.6Parang inilagay nʼyo akosa napakalalim at napakadilim na hukay.7Ang inyong poot ay sa akin ibinunton,parang mga alon na humahampas sa akin.8Inilayo nʼyo sa akin ang akingmga kaibiganat ginawa nʼyo akong kasuklam-suklamsa kanilang harapan.Para akong nakakulongat hindi na makatakas pa.9Dumidilim na ang paningin kodahil sa kalungkutan.Panginoon, araw-araw akong tumatawag sa inyonang nakataas ang aking mga kamay.10Gumagawa ba kayo ng himala sa mga patay?Bumabangon ba sila para kayoʼy papurihan?11Ang katapatan nʼyo ba at pag-ibigay pinag-uusapan sa libingan?12Makikita ba ang inyong mga himalaat katuwiran sa madilim na lugarng mga patay?Doon sa lugar na iyon naang lahat ay kinakalimutan.13Kaya Panginoon, humihingi akong tulong sa inyo.Tuwing umaga, akoʼy nananalangin sa inyo.14Ngunit bakit nʼyo ako itinatakwil Panginoon?Bakit nʼyo ako pinagtataguan?15Mula pa sa pagkabataʼyhirap na ang dinanas,at nalagay pa sa bingit ng kamatayan.Tiniis ko ang mga nakakatakotna ginawa nʼyo sa akin.16Ang inyong galit ay humampas sa akinna parang malakas na hangin.Halos mamatay ako sa mga nakakatakotna ipinaranas nʼyo sa akin.17Dumating ang mga itona parang bahang lumamon sa akin.18Inilayo nʼyo sa akinang mga mahal ko sa buhayat mga kaibigan;wala akong naging kasamakundi kadiliman.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3