Mga Salmo85
Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ng mga anak ni Kora.
1Panginoon, naging mabuti kayo sa inyong lupain.Ibinalik nʼyo sa magandang kalagayan ang Israel. 2Pinatawad nʼyo ang kasamaanng inyong mga mamamayan;inalis nʼyo ang lahatng aming kasalanan.3Inalis nʼyo na rin ang inyongmatinding galit sa amin.4Minsan pa, O Diyos,na aming Tagapagligtas,ibalik nʼyo kami sa magandang kalagayan.Kalimutan nʼyo na ang inyonggalit sa amin.5Habang buhay na ba kayongmagagalit sa amin,hanggang sa aming mga salinlahi?6Hindi nʼyo na ba kami ibabaliksa magandang kalagayanupang kami ay magalak sa inyo?7Panginoon, ipakita nʼyo sa aminang inyong pag-ibigat kami ay iligtas.8Pakikinggan ko ang sasabihin ng Panginoong Diyos,dahil mangangako siya ng kapayapaan sa atinna kanyang mga tapat na mamamayan;iyan ay kung hindi na tayo babaliksa ating mga kamangmangan.9Tunay na ililigtas niyaang may takot sa kanya,upang ipakita na ang kapangyarihan niyaay mananatili sa ating lupain.10Ang pag-ibig at katapatan ay magkasamaat ganoon din ang katarunganat kapayapaan.11Ang katapatan ng tao sa mundoay alam ng Diyos sa langit,at ang katarungan ng Diyos sa langitay matatanggap ng tao sa mundo.12Tiyak na ibibigay sa atin ng Panginoon ang mabutiat magkakaroon ng aniang ating lupain.13Ang katarungan ay parang tagapagbalitana mauunang dumatingupang ihanda ang daan ng Panginoon.Biblica, Inc.