Mga Salmo84
Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ng mga anak ni Kora na sinasaliwan ng instrumentong may kuwerdas.
1Panginoon ng mga Hukbo,kay ganda ng inyong Templo!2Gustong-gusto kong pumunta roon!Nananabik akong pumasoksa inyong Templo, Panginoon.Ang buong katauhan koʼy aawitnang may kagalakan sa inyo,O Diyos na buháy.3Panginoon ng mga Hukbo,aking Hari at Diyos,kahit ang mga ibon ay may pugadmalapit sa altar kung saan nila inilalagayang kanilang mga inakay.4Mapalad ang mga taong nakatirasa inyong Templo;lagi silang umaawit ng mga papuri sa inyo.5Mapalad ang mga taong tumanggap ng kalakasanmula sa inyoat nananabik na makapuntasa inyong Templo.6Habang binabaybay nilaang lambak ng Baca, iniisip nilang may mga bukal doonat tila umulan dahil may tubig kahit saan.7Lalo silang lumalakas habang lumalakadhanggang ang bawat isa sa kanilaay makaratingsa presensya ng Diyos doon sa Zion. 8O Panginoon, Diyos ng mga Hukbo,pakinggan nʼyo ang aking panalangin,O Diyos ni Jacob,9Pagpalain nʼyo O Diyos,ang tagapagtanggol namin,ang hari na inyong pinili.10Ang isang araw sa inyong Temploay higit na mabutikaysa sa isang libong arawsa ibang lugar.Mas nanaisin ko pang mamalagi sa bahay ng aking Diyos,kaysa manirahan sa bahay ng masasama.11Dahil kayo Panginoong Diyosay tulad ng araw na nagbibigay-liwanag sa aminat pananggalang na nag-iingat sa amin.Pinagpapala nʼyo rin kamiat pinararangalanHindi nʼyo ipinagkakaitang mabubuting bagaysa sinumang matuwid ang pamumuhay.12O Panginoon ng mga Hukbo,mapalad ang taong nagtitiwala sa inyo.Biblica, Inc.