Mga Salmo86

Ang Panalangin ni David.

1Panginoon, inyong dinggin at sagutinang aking panalanginsapagkat akoʼy naghihirapat nangangailangan.2Ingatan nʼyo ang buhay kosapagkat akoʼy tapat sa inyo.Kayo ang aking Diyos,iligtas nʼyo ang inyong lingkodna nagtitiwala sa inyo.3Panginoon, maawa kayo sa akindahil buong araw akongtumatawag sa inyo.4Bigyan nʼyo ng kagalakanang inyong lingkod, Panginoon,dahil saʼyo ako nananalangin.
5Tunay kayong mabuti at mapagpatawad,O Panginoon,puno ng pag-ibig sa lahatng tumatawag sa inyo.6Pakinggan nʼyo ang aking dalangin,Panginoon.Ang pagsusumamo koʼyinyong dinggin.7Akoʼy tumatawag sa inyosa oras ng kagipitandahil sinasagot nʼyo ako.
8Walang diyos na katulad nʼyo,Panginoon;walang sinumang makakagawang mga ginawa ninyo.9Ang lahat ng bansa  na inyong ginawa,ay lalapit at sasamba sa inyo,Panginoon.Pupurihin nila ang inyong pangalan.10Sapagkat makapangyarihan kayoat ang mga gawa nʼyoay kahanga-hanga.Kayo ang nag-iisang Diyos.
11Panginoon, ituro nʼyo sa akinang inyong pamamaraan,at susundin ko ito nang may katapatan. Bigyan nʼyo ako ng pusongmay takot sa inyo.12Panginoon kong Diyos,buong puso ko kayong pasasalamatan.Pupurihin ko ang inyong pangalanmagpakailanman.13Sapagkat ang inyong pag-ibigsa akin ay dakila.Iniligtas nʼyo ako mula sa kamatayan.
14O Diyos, sinasalakay akong mga mayayabanggusto akong patayinng mga walang awa.Malulupit sila at hindi kumikilala sa inyo.15Ngunit kayo, Panginoon,ay Diyosna nagmamalasakit at mahabagin.Wagas ang pag-ibig nʼyo,at hindi kayo madaling magalit.16Bigyang-pansin nʼyo akoat kahabagan;bigyan nʼyo ako ng inyong kalakasanat iligtas ako na inyong lingkod.17Ipakita sa akin ang tandang inyong kabutihan,upang makita ito ng aking mga kaawayat nang silaʼy mapahiya.Dahil kayo, Panginoon,ang tumutulong at umaaliw sa akin.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3