Mga Salmo83
Awit na isinulat ni Asaf.
1O Diyos, huwag po sana kayong manahimik.Huwag po ninyong takpanang inyong tainga.Kumilos po kayo.2Tingnan ang inyong mga kaaway,maingay silang sumasalakayat ipinagyayabang na mananalo sila.3Nagbabalak sila ng masamalaban sa inyong mga mamamayanna inyong kinakalinga.4Sinabi nila, “Halikayo,wasakin natin ang bansang Israelupang makalimutan na siya magpakailanman.”5At nagkasundo sila sa masamang plano nila.Gumawa sila ng kasunduan laban sa inyo.6Sila ay mga taga-Edom, mga Ismaelita,mga taga-Moab, mga Hagreo,7mga taga-Gebal, Amonita, taga-Amalek,mga taga-Filistia at mga taga-Tiro.8Kumampi rin sa kanila ang Asiria,isang bansang malakasna kakampi ng lahi ni Lot. 9Talunin nʼyo sila Panginoonkatulad ng ginawa nʼyo sa mga Midianitaat kina Sisera at Jabindoon sa Lambak ng Kison.10Namatay sila sa Endorat ang mga bangkay nilaʼy nabulokat naging pataba sa lupa.11Patayin nʼyo ang mga pinuno nilakatulad ng ginawa ninyo kina Orebat Zeeb at kina Zeba at Zalmuna.12Sinabi nila, “Agawin natinang lupain ng Diyos.”13O Diyos ko, ikalat nʼyo silana parang alikabok o ipana nililipad ng hangin.14Tulad ng apoy na tumutupoksa mga puno sa kagubatanat kabundukan,habulin nʼyo sila ng inyong bagyoat takutin ng malalakas na hangin.16Hiyain nʼyo sila, Panginoon,hanggang sa matuto silang lumapit sa inyo.17Sana nga ay mapahiyaat matakot sila habambuhay.Mamatay sana sila sa kahihiyan.18Para malaman nilang kayo, Panginoon,ang tanging Kataas-taasang Diyossa buong mundo.Biblica, Inc.