Mga Salmo82
Awit na isinulat ni Asaf.
1Pinamumunuan ng Diyos ang pagtitiponng kanyang mga mamamayan.Sa gitna ng mga hukom siya ang humahatol sa kanila.2Sinabi niya sa kanila,“Hanggang kailan kayo hahatolnang hindi tama?Hanggang kailan ninyo papaboranang masasamâ?3Bigyan ninyo ng katarunganang mga dukha at ulila.Ipagtanggol ninyo ang karapatanng mga mahihirap at inaapi.4Iligtas ninyo ang mahihinaat mga nangangailanganmula sa kamay ng mga masasama!5“Wala silang nalalaman!Hindi sila nakakaintindi!Wala silang pag-asa,namumuhay sila sa kadilimanat niyayanig nila ang pundasyon ng mundo.6“Sinabi ko, ‘Kayoʼy mga diyos,mga anak ng Kataas-taasang Diyos.’7Ngunit gaya ng ibang mga namumunoay babagsak kayo,at gaya ng ibang taoay mamamatay din kayo.”8O Diyos, hatulan nʼyo naang lahat ng bansa sa mundo,sapagkat sila namaʼy sa inyo.Biblica, Inc.