Mga Salmo81
Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni Asaf na sinasaliwan ng instrumentong may kuwerdas .
1Umawit kayo nang may galaksa Diyos na nagbibigay sa atinng kalakasan.Sumigaw kayo nang may tuwasa Diyos ni Jacob!2Umawit kayo at tugtuginang tamburinkasabay ng magandang tunogng alpa at lira. 3Patunugin ninyo ang tambulituwing Pista ng Bagong Buwanna ating ipinagdiriwangtuwing kabilugan ng buwan.4Dahil isa itong kautusanpara sa mga taga-Israel.Itoʼy utos ng Diyos ni Jacob.5Ibinigay niya ang kautusang itosa lahi ni Josenang siyaʼy sumalakaysa lupain ng Ehipto.May narinig akong tinigngunit hindi ko kilala.Sinabi niya,6“Kinuha ko ang mabigat niyang pasanin,Pinalaya ko ang kanyang mga kamay sa dalahin.7Nang kayoʼy nahirapan,tumawag kayo sa akinat kayoʼy iniligtas ko.Mula sa mga alapaap,sinagot ko kayo at sinubokdoon sa bukal ng Meriba.8Mga Israelita, aking mamamayan,pakinggan ninyo itong babala ko sa inyo.Makinig kayo sa akin!9Wala kayong ibang magiging diyos kundi ako lang.Huwag kayong sumambasa diyos-diyosan.10Ako ang Panginoonna inyong Diyos.Ako ang naglabas sa inyomula sa lupain ng Ehipto.Humingi kayo sa akinat ibibigay ko sa inyoang mga pangangailangan ninyo.11Ngunit kayong mga Israelitana aking mga mamamayan,hindi kayo nakinig at sumunod sa akin.12Kaya hinayaan ko kayosa katigasan ng inyong ulo at ginawa ninyo ang inyong gusto.13Kung nakinig lang sana kayo sa akinat sumunod sa aking mga pamamaraan,14kaagad ko sanang nilupigat pinarusahan ang inyong mga kaaway.15Ang mga napopoot sa akin,na Panginoonay yuyukod sa takot.Ang kaparusahan nilaay walang katapusan.16Ngunit kayo na aking mga mamamayan,pakakainin ko kayo ng pinakamainamna bunga ng trigo at pulothanggang sa mabusog kayo.”Biblica, Inc.