Mga Salmo80

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni Asaf na inaawit sa tono ng awiting, “Mga Liryo ng Kasunduan.”

1O Pastol ng Israel, pakinggan nʼyo kami.Kayo na nangunguna at pumapatnubaysa angkan ni Josetulad ng isang nagpapastol ng mga tupa.Kayo na nakaupo sa inyong tronosa gitna ng mga kerubin,ipakita nʼyo ang inyong kapangyarihan,2sa lahi ni Efraim, ni Benjaminat ni Manases.Ipakita nʼyo po ang inyong kapangyarihan;puntahan nʼyo kami upang iligtas.3O Diyos, ibalik nʼyo kamisa mabuting kalagayan.Ipakita nʼyo sa amin ang inyong kabutihanupang kami ay maligtas.4O Panginoong Diyos ng mga Hukbo,hanggang kailan ang galit ninyosa mga panalangin ng inyong mga mamamayan?5Pinuno nʼyo kami ng kalungkutan,at halos mainom na naminang aming mga luha.6Pinabayaan nʼyong awayin kaming mga kalapit naming bansaat pinagtatawanan kaming aming mga kaaway.7O Diyos na Makapangyarihan,ibalik nʼyo kami sa mabuting kalagayan.Ipakita nʼyo sa amin ang inyong kabutihanupang kami ay maligtas.8Katulad namin ay puno ng ubas,na kinuha nʼyo sa Ehiptoat itinanim sa lupaing pinalayasang mga nakatira.9Nilinis nʼyo ang lupaing itoat ang puno ng ubas ay nag-ugatat lumaganap sa buong lupain.10Nalililiman ng mga sanga nitoang mga bundokat ang malalaking puno ng sedro.11Umabot ang kanyang mga sangahanggang sa Dagat Mediteraneoat hanggang sa Ilog ng Eufrates.12Ngunit bakit nʼyo sinira, O Diyos,ang bakod nito?Kaya ninanakaw ng mga dumadaanang mga bunga nito.13At kinain din ito ng mga baboy-ramoat iba pang hayop sa gubat.14O Diyos na Makapangyarihan,bumalik na kayo sa amin.Mula sa langit,kami ay inyong pagmasdan.Alalahanin ninyoang inyong mga mamamayan,15na tulad ng puno ng ubasna inyong itinanimsa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.Alalahanin nʼyo kamina inyong mga anakna pinatatag nʼyo para sa inyong kapurihan.16O Diyos, upang kaming mga puno ng ubasna pinutol at sinunog.Tiningnan nʼyo kami nang may galit, at nilipol.17Ngunit ngayon, tulungan nʼyo kamina inyong mga hinirangna maging malapit sa inyoat palakasin kami para sa inyong kapurihan,18at hindi na kami tatalikod sa inyo.Ibalik sa amin ang mabuting kalagayan,at sasambahin namin kayo.19O Panginoong Diyos ng mga Hukbo,ibalik nʼyo sa amin ang mabuting kalagayan!Ipakita sa amin ang inyong kabutihanupang kami ay maligtas.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3