Mga Salmo79
Awit na isinulat ni David.
1O Diyos, sinalakay ng mga dayuhanang lupaing pag-aari ninyo.Nilapastangan nilaang inyong banal na Temploat winasak ang Jerusalem.2Ipinakain nila sa mababangisna ibon at hayopang bangkay ng inyong tapatna mga lingkod.3Parang tubig na pinadaloy nila ang dugong inyong mga mamamayansa buong Jerusalem,at wala ni isa mang natira sa kanilaupang ilibing ang mga namatay.4Kinukutya kami at inilalagay sa kahihiyanng mga bansa sa palibot namin.5Panginoon, hanggang kailan kayomagagalit sa amin?Wala na ba itong katapusan?Hanggang kailan mag-aapoyang inyong panibugho?6Doon nʼyo ibuhos ang inyong galit,sa mga bansa at kaharianna ayaw kumilalaat sumamba sa inyo.7Dahil pinatay nila ang mga mamamayan ninyoat winasak ang kanilang mga lupain.8Huwag ninyo kaming parusahandahil sa kasalanan ng aming mga ninuno.Sa halip ay iparating agad ninyoang inyong habag sa amindahil kami ay lugmok na.9O Diyos na aming Tagapagligtas,tulungan nʼyo kami,para sa kaluwalhatianng inyong pangalan.Iligtas nʼyo kami at patawarinsa aming mga kasalanan,alang-alang sa inyong pangalan.10Huwag nʼyo pong hayaanna sabihin sa aminng ibang mga bansa,“Nasaan na ang inyong Diyos?”Habang kami ay nakatingin,ipaunawa nʼyo sa mga bansang itona maghihiganti kayo sa kaniladahil sa pagpatay nila sa inyong mga lingkod.11Pakinggan ninyo ang hinaingng mga mamamayan ninyong binihag nila.Nakatakda silang patayinkaya inyo silang palayainsa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.12O Panginoon, gantihan ninyo ng pitong ulitang mga kalapit naming bansadahil sa ginawa nilang pangungutya sa inyo.13At kaming mga mamamayan,na inyong inaalagaan na parang mga tupasa inyong pastulanay magpapasalamat sa inyo magpakailanman.Purihin kayo nang walang hanggan.Biblica, Inc.