Mga Salmo7
Ito ay isang awit na isinulat ni David tungkol kay Cush na mula sa angkan ni Benjamin. Inawit niya ito sa Panginoon.
1Panginoon kong Diyos, nanganganlong ako sa inyo.Iligtas nʼyo ako sa mga umuusig sa akin.2Baka patayin nila ako,katulad ng pagluray ng leonsa kanyang biktima,kung walang magliligtas sa akin.3Panginoon kong Diyos,kung totoong ginawa koang kasalanang ito,4kung ginantihan ko nga ng masamaang mabuting ginawa ng aking kaibigan,o kung sinamsam ko ang mga ari-arianng aking mga kaawaynang walang dahilan,5hayaan nʼyong akoʼy usiginat talunin ng aking mga kaaway.Hayaan nʼyong akoʼy tapak-tapakanhanggang sa mamatay,at pabayaan sa lupa ang aking bangkay.6O Panginoon kong Diyos,ipakita nʼyo ang inyong galitsa aking mga kaawayna sobrang nagngingitngit.Ipakita ninyo ang inyong pagiging makatarungan.7Tipunin nʼyo ang lahat ng bansa sa palibot nʼyo,at pamahalaan nʼyo sila mula sa langit.8Kayo Panginoon ang humahatol sa lahat ng tao.Patunayan nʼyo sa kanilana mali ang kanilang mga paratanglaban sa akin.Sapagkat alam nʼyona akoʼy matuwid,at namumuhay nang wasto.9Pigilan nʼyo ang kasamaangginagawa ng mga tao,at pagpalain nʼyo ang mga matuwid,dahil kayo ay Diyos na matuwid,at sinisiyasat nʼyo ang aming mga pusoʼt isipan.10Kayo, O Diyos, ang nag-iingat sa akin.Inililigtas nʼyo ang mga namumuhay nang matuwid.11Kayo ang matuwid na hukom,at sa araw-araw ay ipinapakita nʼyoang inyong galit sa masasamâ.12Kung ayaw nilang magsisisa kanilang mga kasalanan,ikaw namaʼy nakahandang silaʼy parusahan.Katulad nʼyo ay isang sundalona handa na ang mga nakamamatay na sandata.Nahasa na niya ang kanyang espada,at nakaumang na ang palasong nagbabaga.14Mapag-isip sila ng gulo at kasamaan,kaya nakakapanloko sila ng kapwa.15Ngunit sila mismo ang mapapahamaksa panggugulo at karahasang binabalak.Ang katulad nila ay humuhukay ng bitagupang mahulog ang iba,pero sila rin ang mahuhulogsa hinukay nila.17Pinasasalamatan ko kayo Panginoon,sapagkat matuwid kayo.Aawitan ko kayo ng mga papuri,Kataas-taasang Panginoon.Biblica, Inc.