Mga Salmo78
Isang maskil ni Asaf.
1Mga kababayan, ang mga turo koʼyinyong pakinggan.Sundin ninyo ang aking mga salita.2Tuturuan ko kayo sa pamamagitan ng paghahalintulad. Sasabihin ko sa inyo ang mga lihimna katotohanan ng nakaraan.3Napakinggan na natin ito at nalaman.Sinabi ito sa atin ng ating mga ninuno.4Hindi natin ito ililihim sa ating mga anak;sasabihin natin sa mga susunod na henerasyonang kapangyarihan ng Panginoonat ang mga kahanga-hanga niyang gawa.5Ibinigay niya ang kanyang mga kautusan kay Jacob;ginawa niya itong batas ng Israel.Iniutos niya sa ating mga ninunona ituro ito sa kanilang mga anak,6upang itoʼy malaman dinng susunod na henerasyonat ituturo rin nila sa kanilang mga anak.7Sa ganitong paraan, magtitiwala sila sa Diyosat hindi nila makakalimutanang kanyang mga ginawa,at susundin nila ang kanyang mga utos.8Hindi sila magiging katuladng kanilang mga ninunona matitigas ang ulo, suwail,hindi lubos ang pagtitiwala sa Diyos,at hindi tapat sa kanya.9Bagamaʼt may mga pana ang mga taga-Efraim,umaatras naman sila sa oras ng labanan.10Hindi nila pinanindigan ang kasunduan nila sa Diyos,at tumanggi silang mamuhayayon sa kanyang mga utos.11Kinalimutan nila ang mga kahanga-hanganiyang ginawana ipinakita niya sa kanila.12Nasaksihan mismo ng ating mga ninunoang mga himala na ginawa ng Diyosdoon sa Zoan sa lupain ng Ehipto.13Hinawi niya ang dagatat pinadaan sila roon;ginawa niyang parang magkabilang pader ang tubig.14Pinatnubayan niya silasa pamamagitan ng ulap tuwing arawat sa pamamagitan ng liwanag ng apoy namantuwing gabi.15Biniyak niya ang mga bato sa ilangat dumaloy ang tubigat binigyan sila ng maraming inuminmula sa kailaliman ng lupa.16Pinalabas niya ang maramingtubig mula sa batoat ang tubig ay umagos gaya ng ilog.17Ngunit patuloy pa rin silang nagkasala sa kanya.Naghimagsik sila sa Kataas-taasang Diyos doon sa ilang.18Sinadya nilang subukin ang Diyossa pamamagitan ng paghingi nilang mga pagkaing gusto nila.19Kinutya nila ang Diyosnang sabihin nilang,“Makakapaghanda ba ang Diyosng pagkain dito sa ilang?20Oo ngaʼt umagos ang tubignang hampasin niya ang bato,ngunit makapagbibigay din ba siyang tinapay at karne sa atin?”21Narinig ito ng Panginoon at galit na galit siya.Nag-apoy sa galit ang Panginoon laban sa lahi ni Jacob,22dahil hindi sila sumampalataya sa kanya,o nagtiwala sa pagliligtas niya.23Ganoon pa man, iniutos niyang bumukas ang langit,24at pinaulanan sila ng pagkaing manna.Ibinigay ito sa kanila upang kainin.25Kinain nila ang pagkain ng mga anghel,at sobra pa sa kaya nilang kaininang ibinigay ng Diyos sa kanila.26Pinaihip niya ang hanginmula sa silangan at sa timogsa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan.27Pinaulanan din sila ng napakaraming ibon,na kasindami ng buhangin sa tabing-dagat.28Pinadapo niya ang mga ito sa palibotng kanilang mga tolda sa kampo.29Kaya kumain sila at nabusog,dahil ibinigay sa kanila ng Diyosang gusto nila.30Ngunit habang kumakain sila at nagpapakabusog,31nagalit ang Diyos sa kanila.Pinatay niya ang makikisigna mga kabataan ng Israel.32Sa kabila ng lahat ng ginawa ng Diyos sa kanila,nagpatuloy pa rin sila sa pagkakasala.Kahit na gumawa siya ng mga himala,hindi pa rin sila naniwala.33Kaya agad niyang winakasan ang kanilang buhaysa pamamagitan ng biglaangpagdating ng kapahamakan.34Kapag pinarurusahan sila ng Diyosat ang iba sa kanilaʼy namamatay,nagbabalik-loob sila at agad lumalapit sa kanya.35At naalala nila na ang Diyosang kanilang Batong kanlungan,ang Kataas-taasang Diyosang kanilang Tagapagligtas.36Ang papuri nilaʼy sa bibig lamang nagmumulapawang kasinungalingan ang kanilang mga salita.37Hindi sila naging tapat sa kanyaat hindi nila pinahalagahan ang kasunduan niya sa kanila.38Ngunit dahil maawain ang Diyos,pinatawad ang mga kasalanan nilaat hindi sila nilipol.Maraming beses niyang pinigil ang kanyang galitkahit napakatindi na ng kanyang poot.39Naisip niyang mga tao lamang sila,parang hangin na dumadaanat biglang nawawala.40Madalas silang maghimagsiksa Diyos doon sa ilangat pinalungkot nila siya.41Paulit-ulit nilang sinubok ang Diyos;ginalit nila ang Banal na Diyos ng Israel.42Hindi nila inalalaang kanyang kapangyarihansa araw na iniligtas niya silamula sa kanilang mga kaaway,43noong gumawa siya ng mga himala at tandaroon sa Zoan, sa lupain ng Ehipto.44Ginawa niyang dugo ang mga ilog nila,kaya wala silang mainom sa mga tubig nila.45Nagpadala rin siya ng napakaraming langawna nagpahirap sa kanilaat mga palaka na puminsala sa lupain nila.46Ipinakain niya sa mga balangang kanilang mga pananim at mga ani.47Sinira niya ang kanilang mga tanim na ubasat mga punong sikomorosa pamamagitan ng pagpapaulan ng yelo.48Pinagpapatay niya ang kanilang mga hayopsa pamamagitan ng kidlatat pag-ulan ng malalaking yelo.49Ipinaranas niya sa kanilaang matinding poot at galit niya,at nagpadala siya ng mga anghelna nagdulot ng sakuna.50Hindi pinigilan ng Diyos ang kanyang poot.Hindi niya sila iniligtas sa kamatayan.Sa halip ay pinatay silasa pamamagitan ng mga salot.51Pinatay niyang lahatang mga panganay na lalaki sa Ehipto;Oo, ang bawat panganay sa lahi ni Ham.52Ngunit parang mga tupa na inilabas niya sa Ehiptoang kanyang mamamayantulad sa kawan ng mga tupa,silaʼy pinatnubayan niya sa ilang.53Pinatnubayan niya sila,kaya hindi sila natakot.Ngunit ang mga kaaway nilaay nalunod sa dagat.54Dinala niya sila sa lupaing kanyang pinili,dito sa bulubunduking lugar na kinuha niyasa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan.55Itinaboy niya ang lahatng naninirahan doon,at hinati-hati ang lupainsa mga lahi ng Israelupang maging pag-aari nilaat maging tirahan.56Ngunit sinubok pa rin nila ang Kataas-taasang Diyos,naghimagsik sila at hindi sumunodsa kanyang mga utos.57Tumalikod sila sa Diyoskatulad ng kanilang mga ninuno.Tulad sila ng isang sirang panana hindi mapagkakatiwalaan.58Ginalit nila ang Diyosdahil sa kanilang mga sambahansa matataas na lugarPinanibugho nila ang Diyos dahil sa kanilangmga diyos-diyosan.59Alam ng Diyos ang ginawa ng mga Israelita,kaya nagalit siya at itinakwil sila nang lubusan.60Iniwanan niya ang kanyang tolda sa Silo,kung saan siya nananahan dito sa mundo.61Hinayaan niyang agawin ng mga kaawayang Kahon ng Kasunduanna simbolo ng kanyang kapangyarihanat kadakilaan.62Nagalit siya sa kanyang mga mamamayankaya ipinapatay niya silasa kanilang mga kaaway.63Sinunog ang kanilang mga binata,kaya walang mapangasawaang kanilang mga dalaga.64Namatay sa labanan ang kanilang mga pari,at ang mga naiwan nilang asawaay hindi makapagluksa. 65Pagkatapos, parang nagising ang Panginoonmula sa kanyang pagkakahimlay;at para siyang isang malakas na taona pinatapang ng alak.66Itinaboy niya at pinaatrasang kanyang mga kaaway;inilagay niya sila sa walang hanggang kahihiyan.67Itinakwil niya ang lahi ni Jose,hindi rin niya pinili ang lahi ni Efraim. 68Sa halip ay pinili niya ang lahi ni Judaat ang bundok ng Zion na kanyang minamahal.69Doon niya ipinatayo ang kanyang Templo,katulad ng langit at lupana kanyang itinatag, magpakailanman.70Pinili ng Diyos si Davidna maging lingkod niya.Kinuha siya mula sa pagpapastol ng tupaat ginawang hari ng Israel,ang mga mamamayang kanyang hinirang.72Katulad ng isang mabuting pastol,inalagaan niya ang mga Israelitanang may katapatanat mahusay silang pinamunuan.Biblica, Inc.