Mga Salmo77

Awit na isinulat ni Asaf para sa direktor ng mga mang-aawit na si Jedutun.

1Tumawag ako nang malakas sa Diyos.Tumawag ako sa kanyaupang akoʼy kanyang pakinggan.2Kapag akoʼy nagdurusa,akoʼy nananalangin sa Panginoon.Sa gabi ay nakataas ang aking mga kamaysa pagdarasal,at hindi ako napapagod,ngunit wala pa rin akong kaaliwan.3Naalala ko kayo, O Diyos, at akoʼy dumaing;akoʼy nagmuni-muni at para bang akoʼy nawalan na ng pag-asa.4Hindi ninyo ako pinatutulog,hindi ko na alam ang aking sasabihin,dahil balisang-balisa ako.5Naaalala ko ang mga araw at taong lumipas.6Naaalala ko ang mga panahong umaawit ako  sa gabi.Nagbubulay-bulay akoat tinatanong ang aking sarili:7“Habang buhay na ba akongitatakwil ng Panginoon?Hindi na ba siya malulugod sa akin?8Nawala na ba talagaang pag-ibig niya para sa akin?Ang kanyang pangako baay hindi na niya tutuparin?9Nakalimutan na ba niyang maging maawain?Dahil ba sa kanyang galitay nawala na ang kanyang habag?”10At sinabi ko, “Ang pinakamasakit para sa akinay ang malamang hindi na tumutulongang Kataas-taasang Diyos.”11Panginoon, aalalahanin ko ang inyong mga gawa.Gugunitain ko ang mga himalangginawa nʼyo noon.12Iisipin ko at pagbubulay-bulayanang lahat ng inyong mga dakilang gawa.13O Diyos, ibang-iba ang inyongmga pamamaraan.Wala nang ibang Diyosna kasindakila ninyo.14Kayo ang Diyos na gumagawa ng mga himala.Ipinapakita nʼyo sa mga taoang inyong kapangyarihan.15Sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan,iniligtas nʼyo ang inyongmga mamamayanna mula sa lahi nina Jacob at Jose.16Ang mga tubig, O Diyosay natakot at nanginig,pagkakita sa inyo.17Mula sa mga ulap ay bumuhos ang ulan,kumulog sa langit at kumidlatkung saan-saan.18Narinig ang kulog mula sa napakalakas na hangin;ang mga kidlat ay nagbigay-liwanag sa mundo,at nayanig ang buong daigdig.19Tinawid nʼyo ang karagatangmay malalaking alon,ngunit kahit mga bakas ng paa nʼyoay hindi nakita.20Pinatnubayan ninyo ang inyong mga mamamayanna parang kawan,sa pamamagitan nina Moises at Aaron.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3