Mga Salmo76

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni Asaf. Ginagamitan ng instrumentong may kuwerdas.

1Kilalang-kilala ang Diyos sa Juda,at sa Israel ay dakila siya.2Nakatira siya sa bundok ng Zion sa Jerusalem. 3Doon, sinira niya ang mga nagniningasna palaso ng kaaway,ang kanilang mga pananggalang, espadaat iba pang kagamitang pandigma.4O Diyos, makapangyarihan kayoat higit na dakilahabang bumababa kayo sa bundokna kung saan pinatay nʼyoang inyong mga kaaway. 5Binawi nʼyo sa matatapang na sundalo ang kanilang mga sinamsam.Silang lahat ay namatay na;wala nang makakapagbuhat pang kamay sa amin.6O Diyos ni Jacob, sa inyong sigaw, ang mga kawal  at ang kanilang mga kabayo ay namatay.7Kaya dapat kayong katakutan.Sinong makakatagal sa inyong harapankapag kayoʼy nagalit?8Mula sa langit ay humatol kayo.Ang mga tao sa mundoay natakot at tumahimik9nang humatol kayo, O Diyos,upang iligtas ang lahat ng inaapi sa daigdig.10Tiyak na ang galit nʼyo sa mga tao ay magbibigay ng karangalan sa inyo,ngunit hindi nʼyo pa lubusang ibinubuhosang inyong galit.11Mangako kayo sa Panginoonna inyong Diyos at tuparin ito.Lahat kayong mga bansang nasa paligid,magdala kayo ng mga regalo sa Diyosna siyang karapat-dapat katakutan.12Ibinababa niya ang mapagmataasna mga pinuno;kinatatakutan siya ng mga haririto sa mundo.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3