Mga Salmo75

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni Asaf. Inaawit sa tono ng awiting, “Huwag Sirain!”

1O Diyos, nagpapasalamat kami sa inyo.Nagpapasalamat kamidahil malapit kayo sa amin.Ipinapahayag ng mga taoang inyong mga kahanga-hangang gawa.
2Sinabi nʼyo O Diyos, “May itinakda akongpanahon ng paghatolat hahatol ako nang walang kinikilingan.”3Kapag yumanig ang mundoat ang mga taoʼy magkagulo sa takot,ako ang magpapatibay ng pundasyon ng mundo.4Sinasabi ko sa mga hambog,“Huwag kayong magyabang”at sa masasama,“Huwag ninyong ipagmalakiang inyong kakayahan.5Tigilan nʼyo na ang pagmamalakina kayo ay nanaloat magpakumbaba na kayo.”
6Dahil ang tagumpay ng taoʼyhindi nagmumula sa kung saan-saan, 7kundi sa Diyos lamang.Siya ang humahatol;kung sino ang ibababaat kung sino ang itataas.8Dahil ang Panginoon ang humahawak ng kopana puno ng bumubulang matapang na alak.Ibinubuhos niya ito at ipinaiinom sa masasamahanggang sa huling patak.
9Ngunit ako, walang tigil kong ipahahayagang tungkol sa Diyos ni Jacob,aawit ako ng mga papuri para sa kanya.10Aalisin niya  ang kakayahan ng masasama, ngunit dadagdagan niyaang kapangyarihan ng matutuwid.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3