Mga Salmo74
Awit na isinulat ni Asaf.
1O Diyos, hanggang kailan mo kami itatakwil?Bakit kayo nagagalit sa mga taonginyong kinakalinga?2Alalahanin nʼyo ang mga mamamayanna inyong pinili,ang lahing tinubos nʼyo,mula pa noong unaat ginawa nʼyong pinakanatatanging kayamanan.Alalahanin nʼyo rin ang bundok ng Zionna inyong tahanan.3Puntahan nʼyo ang lugar na sira pa rinhanggang ngayon;tingnan nʼyo kung paanong sinirang mga kaaway ang lahat sa Templo.4Sumigaw sila sa loob ng inyong Templo.Nagtaas pa sila roon ng mga bandilabilang simbolo ng kanilang tagumpay.5Sinibak nila ang Templona parang pumuputol ng punongkahoysa gubat gamit ang palakol.6Winasak nila ang mga inukit na mga kagamitansa pamamagitan ng mga palakol.7Nilapastangan at sinunog nilaang inyong tahanan.8Sinabi nila sa kanilang sarili,“Lipulin natin silang lahat!”Sinunog nila ang lahat ng lugarna pinagsasambahan sa inyo, O Diyos.9Wala nang palatandaanna kasama namin kayo.Wala nang propetang naiwanat walang nakakaalam kung hanggang kailanmatatapos ang mga nangyayaring ito sa amin.10O Diyos, hanggang kailan kayo kukutyainng aming mga kaaway?Papayagan nʼyo ba silang lapastanganinang inyong pangalan habambuhay?11Bakit wala kayong ginagawa?Kumilos na kayo! Puksain nʼyo na sila!12Kayo, O Diyos, ang aming Harimula pa noong una.Paulit-ulit nʼyo nang iniligtasang mga tao sa mundo. 13Hinati nʼyo ang dagat sa pamamagitanng inyong kapangyarihanat dinurog ang ulo ng mga dambuhalang hayop sa dagat.14Dinurog nʼyo ang ulong dragong Leviatanat ipinakain ang bangkay nitosa mga hayop sa ilang.15Kayo ang nagpapadaloy ng mga bukalat mga batis,at ang ilog na hindi natutuyoay pinapatuyo ninyo.16Kayo ang gumawa ng araw at ng gabiat naglagay ng araw at ng buwansa kanilang kinalalagyan.17Kayo rin ang naglagayng mga hangganan sa mundoat lumikha ng tag-araw at taglamig.18Alalahanin nʼyo Panginoon,kung paano kayo pinahiyaat kinutya ng mga hangal na kaaway.Kung paano nilapastanganng mga mangmang na itoang inyong pangalan.19Huwag nʼyong ibigay sa kanilang mga kaawayna parang mababangis na hayopang inyong mga mamamayanna parang kalapati.Huwag nʼyong lubusang kalimutanang inyong mga mamamayanna laging inaapi.20Alalahanin nʼyo ang kasunduanninyo sa amin,dahil laganap ang kalupitan sa madidilim na lugar ng lupaing ito.21Huwag nʼyong payagang mapahiyaang mga mahihirap at nangangailangan.Purihin sana nila kayo.22Sige na po, O Diyos, ipagtanggol nʼyoang inyong karangalan.Alalahanin nʼyo kung paano kayo laging hinihiyang mga hangal na ito.23Huwag nʼyong balewalainang walang tigil na paghiyawng inyong mga kaaway dahil sa galit.Biblica, Inc.