Mga Salmo73

Awit na isinulat ni Asaf.

1Tunay na mabuti ang Diyos sa Israel,lalo na sa mga taong may malilinis na puso.2Ngunit akoʼy muntik nang bumagsak;ang mga paa koʼy muntik nang madulas.3Sapagkat kinainggitan ko ang mga mayayabang,nang nakita ko ang pag-unladng mga masasama.4Hindi sila dumaranas ng pagdurusa;silaʼy malulusog at masisigla.5Ang mga pagdurusang karaniwangnararanasan ng taosa mundong ibabaw ay di nila naranasan.Hindi sila dumaranas ng hirap,di tulad ng kanilang kapwa.6Kaya ipinapakita nila ang kanilang kayabangan at kalupitan. 7Ang kanilang puso ay puno ng kasamaan,at ang laging iniisip ay paggawa ng masama.8Kinukutya nila at pinagsasabihanng masama ang iba.Mayayabang sila at nagbabantang mananakit.9Nagsasalita sila ng masamalaban sa Diyos at sa kanilang kapwa.10Kaya ang mga mamamayan ng Diyosay lumilingon sa kanilaat pinaniniwalaan ang kanilangmga sinasabi.11Sinasabi nila, “Paano malalaman ng Diyos?Walang alam ang Kataas-taasang Diyos.”
12Ganito ang buhay ng masasamâ:wala nang problema, yumayaman pa.13Bakit ganoon?Wala bang kabuluhanang malinis kong pamumuhayat paglayo sa kasalanan?14Nagdurusa ako buong araw.Bawat umaga akoʼy inyong pinarurusahan.15Kung sasabihin ko rin ang sinabi nila,para na rin akong nagtraydorsa inyong mga mamamayan.16Kaya sinikap kong unawainang mga bagay na ito,pero napakahirap.17Ngunit nang pumunta akosa inyong santuwaryo,doon ko naunawaan ang kahihinatnan ng masama.18Tunay na inilalagay nʼyo silasa madulas na daan,at ibinabagsak sa kapahamakan.19Bigla silang mapapahamak;mamamatay silang lahatat nakakatakot ang kanilang kahahantungan.20Para silang isang panaginipna sa pagsapit ng umaga ay wala na,O Panginoon.Makakalimutan na silakapag silaʼy pinarusahan nʼyo na.
21Nang nasaktan ang aking damdaminat nagtanim ako ng sama ng loob,22para akong naging hayopsa inyong paningin,mangmang at hindi nakakaunawa.23Ngunit patuloy akong lumapit sa inyoat akoʼy inakay nʼyo.24Ang inyong mga payoang nagsisilbing gabay ko,at akoʼy dadalhin ninyosa marangal na hantungan.25Walang sinuman sa langitang kailangan kokundi kayo lamang.At walang anuman sa mundoang hinahangad komaliban sa inyo.26Manghina man ang akingkatawan at isipan,kayo, O Diyos, ang aking kalakasan.Kayo lang ang kailangan komagpakailanman.27Ang mga taong lumalayo sa inyoay tiyak na mapapahamak.Ang mga nagtaksil sa inyoay lilipuling lahat.28Ngunit ako, minabuti kongmaging malapit sa Diyos.Kayo, O Makapangyarihang Panginoon,ang pinili kong kanlungan,upang maihayag ko ang lahatng inyong mga ginawa.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3