Mga Salmo72
Awit na isinulat ni Solomon.
1O Diyos, ituro nʼyo po sa hariang iyong pamamaraan sa paghatolat katuwiran,2upang makatarungan siyang makapaghatolsa inyong mga mamamayan,pati na sa mga dukha.3Sumagana sana ang mga kabundukanupang mapagpala ang inyong mga mamamayandahil matuwid ang hari.4Tulungan nʼyo siyang maipagtanggolang mga dukhaat durugin ang mga umaapi sa kanila.5Nawaʼy katakutan ka nila , magpakailanman,hanggang ang araw ay sumisikat,hanggang ang buwan ay naroon sa kalangitan.6Ang hari sanaʼy maging tulad ng ulanna bumubuhos sa parang,ulan na dumidilig sa kalupaan.7Umunlad sana ang buhay ng mga matuwidsa panahon ng kanyang pamumuno,at maging maayos ang kalagayan ng taohanggang sa wakas ng panahon.8Lumawak sana nang lumawakang kanyang kaharian, mula sa ilog ng Eufrateshanggang sa pinakadulo ng mundo. 9Magpasakop sana sa kanyaang mga kaaway niyang nakatira sa ilang.10Magbigay sana ng buwis sa kanyaang mga hari ng Tarsis,at mga kaloob ang mga haring Sheba at Seba.11Magpasakop sana sa kanyaang lahat ng hariat ang lahat ng bansa ay maglingkod sa kanya.12Inililigtas niya ang mga dukhana humihingi ng tulong,gayundin ang mga mahihirapna walang tumutulong.13Kahahabagan niya ang mga dukhaat nangangailanganat silaʼy kanyang tutulungan.14Ililigtas niya sila sa mga malulupitat mapang-apidahil para sa kanya,ang buhay nilaʼy mahalaga.15Mabuhay sana ang hari nang matagal.Sanaʼy mabigyan siya ng gintomula sa Sheba.Sanaʼy idalangin palagi ng mga taona pagpalain siya ng Diyos.16Sumagana sana ang ani sa lupainmaging sa tuktok ng bundok,katulad ng mga ani sa Lebanon.Dumami rin sana ang mga taosa mga lungsod,kasindami ng damo sa mga parang.17Huwag sanang malimutanang pangalan ng harimagpakailanman,habang sumisikat pa ang araw.Sa pamamagitan sana niyaay pagpalain ng Diyos ang lahat ng bansa,at sabihin sana ng mga itona siyaʼy pinagpala ng Diyos.18Purihin ang Panginoong Diyos,ang Diyos ng Israel,na siyang tanging nakagagawang mga bagayna kamangha-mangha.19Purihin ang kanyang dakilang pangalanmagpakailanman!Mahayag sana sa buong mundoang kanyang kaluwalhatian.Amen! Amen!20Dito nagwawakas ang mga panalangin ni Davidna anak ni Jesse.Biblica, Inc.