Mga Salmo71

1Panginoon, sa inyo ako humihingi ng kalinga.Huwag nʼyong pabayaang akoʼy mapahiya.2Tulungan nʼyo ako at iligtassapagkat kayo ay matuwid.Akoʼy inyong dinggin at sagipin.3Kayo sa akin ay batong kanlunganna lagi kong malalapitan.Ipag-utos nʼyo na iligtas ako,dahil kayo ang aking matibayna batong pananggalang.4O Diyos ko, iligtas nʼyo akomula sa kamay ng masasamaat malulupit na tao.
5Kayo ang aking pag-asa,O Makapangyarihang Panginoon.Mula noong akoʼy bata pa,sa inyo, ako ay nagtiwala.6Kayo ay aking kasama,mula nang akoʼy isilang;sa sinapupunan ng aking ina,akoʼy inyong iningatan.Akoʼy magpupuri sa inyo,magpakailanman.7Naging halimbawa ang buhay kopara sa karamihan,dahil kayo ang aking naging kalakasanat tagapag-ingat.8Maghapon ko kayong pinapupurihandahil sa inyong kahanga-hangang kagandahan.9Huwag po ninyo akong iiwankapag akoʼy matanda na.Huwag po ninyo akong pababayaankapag akoʼy mahina na.10Dahil nag-uusap-usapang aking mga kaawayat nagbabalak na akoʼy patayin.11Sinasabi nilang, “Pinabayaanna siya ng Diyos,kaya habulin natin siya at dakpinsapagkat wala namang magliligtas sa kanya.”12O Diyos ko, huwag nʼyo po akong layuan;at akoʼy agad ninyong saklolohan.13Nawa silang sa akin ay nagpaparatangay mapahiya at mapahamak.Ang mga nagnanais na akoʼy saktanang siya sanang kutyainat malagay sa kahihiyan.14Ngunit ako, O Diyos ay palaging aasaat lalo pang magpupuri sa inyo.15Maghapon kong sasabihinna matuwid kayo at nagliligtas,kahit na hindi ko lubusang maunawaan.16Ihahayag ko ang inyong mga kahanga-hangang gawa,O Makapangyarihang Panginoon;Ihahayag ko sa mga taona kayo ay makatarungan;Oo, kayo lamang.17O Diyos, mula pagkabataʼyitinuro nʼyo na sa akinang tungkol sa inyongmga kahanga-hangang gawaat hanggang ngayon,inihahayag ko ito sa mga tao.18At ngayong akoʼy matanda naat maputi na ang buhok,huwag nʼyo akong pabayaan, O Diyos.Maihayag ko sana ang inyong lakasat kapangyarihan sa susunod na henerasyon,at sa lahat ng mga darating sa hinaharap.19O Diyos, ang inyong katuwiranay hindi kayang maunawaan nang lubusan.Kahanga-hanga ang inyong mga gawa.Tunay ngang walang sinuman ang tulad ninyo.20Bagamaʼt pinaranas nʼyo akong maraming hirap,bibigyan nʼyo akong muli ng bagong buhay.At mula sa aking pagkakalibing,akoʼy muli nʼyong bubuhayin.21Bibigyan nʼyo akong mas higit na karangalan,at muli akong aaliwin.22O Diyos ko, dahil sa inyong katapatanpupurihin ko kayo sa akingpagtugtog ng alpa.O Banal na Diyos ng Israel,aawit ako ng mga papuri sa inyo sa pamamagitan ng pagtugtog ng lira.23Dahil akoʼy iniligtas nʼyo,sisigaw ako sa tuwa habang tumutugtogat umaawit ng papuri sa inyo.24Lagi kong ipapahayag na kayo ay matuwiddahil nabigo at nalagay sa kahihiyanang mga nagnais na mapahamak ako.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3