Mga Salmo70
Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David na humihingi ng tulong sa Diyos.
1Panginoong Diyos,iligtas nʼyo ako at kaagad na tulungan.2Mapahiya sana at malitoang mga nagnanais na mamatay ako.Magsitakas sana na hiyang-hiyaang mga nagnanais na akoʼy mapahamak.3Mapaatras sana sa kahihiyan ang mga kumukutya sa akin.4Ngunit ang mga lumalapit sa inyoay magalak sana at magsaya.Ang lahat ng naghahangadng inyong pagliligtasay lagi sanang magsabi,“Dakila ka, o Diyos!”5Ngunit ako, akoʼy dukhaat nangangailangan.O Diyos, agad po ninyo akong lapitan!Kayo ang tumutulong at nagliligtas sa akin.Panginoon, agad nʼyo po akong tulungan.Biblica, Inc.