Mga Salmo69

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David na inaawit sa tono ng awiting, “Mga Liryo.”

1O Diyos, iligtas nʼyo akosapagkat tulad ako ng isang taongmalapit nang malunod.2Tila lulubog na ako sa malalim na putikat walang matutuntungan.Para akong nasa laotat tinatabunan ng mga alon.3Pagod na ako sa paghingi ng tulongat masakit na ang aking lalamunan.Dumidilim na ang paningin kosa paghihintay ng tulong nʼyo, O Diyos.4Marami ang napopoot sa akin,mas marami pa sila kaysa sa aking buhok.Gusto nila akong patayin nang walang dahilan.Pinipilit nilang isauli ang mga bagayna hindi ko naman ninakaw.5O Diyos, alam nʼyo ang aking kahangalan;hindi lingid sa inyo ang aking mga kasalanan.6O Panginoon, ang Panginoonng mga Hukbo, Diyos ng Israel,huwag sanang malagay sa kahihiyanang mga nagtitiwalaat lumalapit sa inyo nang dahil sa akin.7Dahil sa inyo, iniinsulto akoat inilalagay sa kahihiyan.8Parang ibang tao ang turing sa akinng mga kapatid ko,parang isang dayuhansa aming sariling tahanan.9Dahil sa labis-labis na pagmamalasakit kosa inyong bahay, halos mapahamak na ako.Tuwing nilalait kayo ng mga tao,nasasaktan din ako.10Kapag akoʼy umiiyak at nag-aayuno,tinitiis ko ang pagpapahiya sa akin.11Kapag nakadamit ako ng sako bilang pagdadalamhati,ginagawa nila akong katatawanan.12Pinagbubulung-bulungan din akong mga nakaupo sa pintuang-bayan.At ang mga lasing ay lumilikhang awit ng pangungutya tungkol sa akin.13Ngunit dumadalangin ako sa inyo, Panginoon.Sa inyong tinakdang panahon,sagutin nʼyo ang dalangin koayon sa tindi ng inyong pagmamahal sa akin.Dahil sa tapat kayo sa inyong pagliligtas,14tulungan nʼyo akong huwag lumubog sa putikan.Iligtas nʼyo ako sa aking mga kaawayna parang inililigtas nʼyo akomula sa malalim na tubig.15Huwag nʼyong hayaang tabunan ako ng mga alono lamunin ng kailalimano makulong sa bibig ng kamatayan.16Sagutin nʼyo ako, Panginoon,dahil sa inyong kabutihanat pagmamahal sa akin.Kahabagan nʼyo ako at bigyang-pansin.17Huwag kayong tumalikod sa akin na inyong lingkod.Sagutin nʼyo agad ako sapagkat nasa kagipitan ako.18Lumapit kayo sa akin at iligtas ako sa aking mga kaaway.19Alam nʼyo kung paano nila ako hinihiya at iniinsulto.Alam nʼyo rin kung sino ang lahat ng kaaway ko.20Nasaktan ako sa kanilang panghihiya sa akinat sumama ang loob ko.Naghintay ako na may dadamay at aaliw sa akin,ngunit wala ni isa man.21Nilagyan nila ng lason ang aking pagkainat nang akoʼy mauhaw, binigyan nila ako ng suka.22Habang kumakain sila at nagdiriwang,mapahamak sana sila at ang kanilang mga kasama.23Mabulag sana sila at laging manginig. 24Ibuhos at ipakita nʼyo sa kanila ang inyong matinding galit.25Iwanan sana nila ang mga toldang tinitirhan nilaupang wala nang tumira sa mga ito.26Dahil inuusig nila ang mga taong inyong pinarurusahan,at ipinagsasabi sa iba ang paghihirapna nararanasan ng mga ito.27Idagdag nʼyo ito sa kanilang mga kasalanan at huwag nʼyo silang iligtas.28Burahin nʼyo sana ang kanilang pangalan sa aklat ng buhay at huwag isama sa talaan ng mga matuwid.29Nasasaktan ako at nagdurusa,kaya ingatan nʼyo ako, at iligtas, O Diyos.
30Pupurihin ko ang Diyossa pamamagitan ng awit.Pararangalan ko siya sa pamamagitan ng pasasalamat.31Kalulugdan ito ng Panginoonhigit sa handog na mga baka.32Kapag nakita ito ng mga dukha, matutuwa sila.Lahat ng lumalapit sa Diyos ay magagalak.33Dinidinig ng Panginoon ang mga dukhaat hindi niya nalilimutan ang mga mamamayan niyang nabihag.34Purihin ninyo ang Diyoskayong lahat ng nasa langit,nasa lupa at nasa karagatan.35Dahil ililigtas ng Diyos ang Jerusalem at muli niyang itatayo ang mga lungsod ng Juda.At doon titira ang kanyang mga mamamayanat aariin ang lupain na iyon.36Mamanahin ito ng kanilang lahiat ang mga umiibig sa Diyosay doon maninirahan.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3