Mga Salmo6
Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David na sinasaliwan ng instrumentong may walong kuwerdas.
1O Panginoon, huwag nʼyo po akong sawayinkapag kayoʼy galit sa akin;Huwag nʼyo po akong parusahankapag kayoʼy napopoot sa akin.2Akoʼy inyong kahabagan sa aking kahinaan,at pagalingin ang dumaraing kong kalamnan.3Akoʼy labis na nababagabag.Hanggang kailan, O Panginoon,hanggang kailan ako magiging ganito?4Panginoon akoʼy inyong dingginat akoʼy sagipin.Iligtas nʼyo ako sa kamatayanalang-alang sa pag-ibig nʼyo sa akin.5Sapagkat ang patayay ʼdi ka na maaalala.Sa mundo ng mga pataywala nang makakapagpuri pa.6Akoʼy pagod na sa sobrang pagdaing.Gabi-gabiʼy basa ng luhaang aking higaan;sa pag-iyak koʼy basang-basaang aking unan.7Ang paningin koʼy nanlalabodahil sa sobrang lungkot ko;Ang mga mata koʼy namumugtodahil sa mga kaaway ko.8Layuan nʼyo ako,kayong gumagawa ng masama,sapagkat dininig na ng Panginoonang aking pag-iyak.9Narinig niya ang paghingi ko ng tulong,at sasagutin niya ang aking dalangin.10Mapapahiya at matatakotang lahat ng aking kaaway;Bigla silang tatakas dahil sa sobrang kahihiyan.Biblica, Inc.