Mga Salmo68

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David.

1Kumilos nawa ang Diyos,at ikalat ang kanyang mga kaaway.Magsitakas nawa palayoang mga galit sa kanya.2Itaboy sana sila ng Diyosgaya ng usok na tinatangay ng hangin.Mamatay sana sa harapan niyaang mga masasamâ,gaya ng kandilang natutunaw sa apoy.3Ngunit ang matutuwid ay sisigaw sa galak sa kanyang harapan.
4Awitan ninyo ang Diyos,awitan ninyo siya ng mga papuri.Purihin nʼyo siya,  na siyang may hawak sa mga ulap. Ang kanyang pangalan ay Panginoon.Magalak kayo sa kanyang harapan!5Ang Diyos na nasa kanyang banal na tahananang siyang nangangalaga  sa mga ulilaat tagapagtanggol ng mga biyuda.6Ang mga nag-iisa sa buhayay ihinahanap niya ng pamilyang kabibilangan.Ang mga bihagay kanyang binibigyan ng kalayaanupang silaʼy magkaroon ng kagalakan.Ngunit ang mga taong ang uloʼy may katigasan,sa mainit at tigang na lupa maninirahan.
7O Diyos, nang pangunahan ninyo sa ilangang inyong mga mamamayan,8nayanig ang lupa at bumuhos ang ulansa inyong harapan,O Diyos ng Israel na nagpahayag sa Sinai.9Nagpadala kayo ng masaganang ulanat ang lupang tigang na ipinamana nʼyosa inyong mga mamamayanay naginhawahan.10Doon sila nanirahan, at sa inyong kagandahang-loobay binigyan nʼyo ang mga mahihirapng kanilang mga pangangailangan.
11Panginoon, nagpadala kayo ng mensahe,at itoʼy ibinalita ng maraming kababaihan:12“Nagsisitakas ang mga hari at ang kanilang mga hukbo!Ang mga naiwan nilang kayamananay pinaghati-hatian ng mga babaengnasa mga kabahayan.13Kahit na ang mga tagapag-alaga ng hayopay nakakuha ng mga naiwang bagay gaya ng imahen ngkalapati, na ang mga pakpak ay nababalutan ng pilakat ang dulo nito ay nababalutan ng purong ginto.”14Nang ikalat ng Diyos na Makapangyarihan ang mga haring iyon,pinaulanan niya ng yelo ang lugar ng Zalmon. 
15Napakataas at napakaganda ng bundok ng Bashan;maraming taluktok ang bundok na ito.16Ngunit bakit ito nainggit sa bundok ng Zion na pinili ng Panginoonbilang maging tahanan niya magpakailanman?17Dumating ang Panginoong Diyossa kanyang banal na lugarmula sa Sinaikasama ang libu-libo niyang karwahe.18Nang umakyat siya sa mataas na lugar, marami siyang dinalang bihag.Tumanggap siya ng regalo mula sa mga tao,pati na sa mga naghimagsik sa kanya.At doon maninirahan ang Panginoong Diyos. 
19Purihin ang Panginoon,ang Diyos na ating Tagapagligtas na tumutulongsa ating mga suliranin sa bawat araw.20Ang ating Diyosang siyang Diyos na nagliligtas!Siya ang Makapangyarihang Panginoon na nagliligtassa atin sa kamatayan.21Tiyak na babasagin ng Diyos ang ulong kanyang mga kaaway na patuloy sa pagkakasala.22Sinabi ng Panginoon,“Pababalikin ko ang aking mga kaawaymula sa Bashan;pababalikin ko silamula sa kailaliman ng dagat,23upang patayin sila at tapak-tapakan ninyo ang kanilang dugoat magsasawa ang inyong mga asosa paghimod ng kanilang dugo.”
24O Diyos na aking Hari,nakita ng lahat ang inyong parada ng tagumpaypapunta sa inyong santuwaryo.25Nasa unahan ang mga mang-aawitat nasa hulihan ang mga tumutugtog;at sa gitna naman ay ang mga babaengtumutugtog ng tamburin.
26Sumisigaw sila,“Purihin ang Diyos sa inyong mga pagtitipon!Purihin ninyo ang Panginoon,kayong mula sa lahi ng Israel.”27Nauuna ang maliit na lahi ni Benjamin,kasunod ang mga pinuno ng Judakasama ang kanilang lahi,at sinusundan ng mga pinuno ng Zebulun at Neftali.28O Diyos, ipakita nʼyo ang inyong kapangyarihan, katulad ng ginawa nʼyo sa amin noon.29Dahil sa inyong Templo sa Jerusalemmagkakaloob ng mga regaloang mga hari para sa inyo.30Sawayin nʼyo ang bansang kaawayna parang mabagsik na hayop sa talahiban.Pati na rin ang mga taong tilamga torong kasama ng mga guyahanggang sa silaʼy sumuko at maghandogng kanilang mga pilak sa inyo.Ikalat nʼyo ang mga taong natutuwakapag may digmaan.31Magpapasakop ang mga taga-Ehipto sa inyo.Ang mga taga-Etiopiaay magmamadaling magbigay ng kaloob sa inyo.
32Umawit kayo sa Diyos, kayong mga mamamayanng mga kaharian sa mundo.Umawit kayong mga papuri sa Panginoon,33na naglalakbay sa kalangitan mula panang pasimula.Pakinggan ninyoang kanyang dumadagundong na tinig.34Ipahayag ninyo ang kapangyarihanng Diyos na naghahari sa buong Israel.Ang kalangitan ang nagpapakitang kanyang kapangyarihan.35Kahanga-hanga ang Diyos ng Israelhabang siyaʼy lumalabassa kanyang banal na tahanan.Binibigyan niya ng kapangyarihan at kalakasanang kanyang mga mamamayan.Purihin ang Diyos!

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3